top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 9, 2021



Arestado ang isang family driver sa Cavite matapos umanong tangayin ang sasakyan at pera ng kanyang amo na nagkakahalaga ng halos P1 milyon.


Kinilala ang suspek na si Roy Pader, 41-anyos.


Natunton ang suspek sa pamamagitan ng kanyang mga social media posts kung saan ipinapakita niya ang kanyang pera at lugar na pinupuntahan.


Nag-post si Pader na umiinom siya sa isang nightclub at katabi niya ang ilang babae. Mayroon din siyang post kung saan makikita siya sa loob ng isang motel room kasama ang iba't ibang "escort" na aniya ay tinulungan lang niya.


Bawat babae ay binigyan umano ni Pader ng P4,000 upang maipambili ng gatas at diaper ng anak ng mga ito.


Ayon kay Police Major Adrian Cayabyab ng Cavite CIDG, pitong buwang nanilbihan si Pader bilang trustee at driver sa kanyang amo.


"Nung nakahawak siya ng hefty sum of money na ganong kalaki, ginrab niya yung opportunity na iyon para itakbo ang pera. Akala niya hindi siya mahuhuli," pahayag ni Cayabyab.


Naaresto si Pader sa isang motel kung saan siya naka-check in.


Nakuha sa suspek ang tinangay nitong van na pinatutubos ng P250,000 sa kanyang amo.


Kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya ang kasabwat umano ni Pader.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 6, 2021



Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagpapanggao na pulis sa Imus, Cavite.


Nahuli si Leo Mendoza matapos magsumbong ang isang concerned citizen na may lalaking nagpaputok ng baril ng 3 beses sa kanilang lugar. 


Nakuhanan pa si Mendoza ng kumpletong police uniform at baril.


Pagdating ng mga pulis, nagpakilala ang suspek na isa siyang pulis na may ranggong SPO2 pero batay sa imbestigasyon ng pulisya ay wala ang pangalan ng suspek sa Personnel Accounting Information System ng PNP.


May pangalan pa ng suspek ang uniform na may patch ng Manila Police District.


Nakuhanan din ito ng kalibre 45 baril at mga ID pa na nakasuot siya ng police uniform.


Nahaharap si Mendoza sa maraming kaso kabilang na ang paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act, Illegal Use of Insignias at Usurpation of Authority.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 22, 2021





Pumanaw na ang isa sa 6 na sugatan matapos mahulog ang dalawang sasakyan sa ginagawang tulay sa Tanza, Cavite.


Matatandaang nitong Linggo ay dalawang sasakyan ang nahulog sa ginagawang Obispo Bridge sa Tanza, Cavite.


Una umanong nahulog ang kotse Linggo ng gabi at sinundan naman ng isang van kaninang madaling araw.


Ayon sa mga testigo, mabilis ang takbo ng kotse na bumangga sa mga concrete barrier bago nahulog sa hukay. 


Sa pangalawang insidente naman, nahulog ang isang puting van sa parehong lokasyon Lunes ng madaling araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page