top of page
Search

ni Lolet Abania | July 5, 2022



Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Martes na ang fuel subsidies para sa public transportation sector ay magpapatuloy habang aniya, palalawakin ito kabilang na ang mga tricycle drivers sa gitna ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.


“We just discussed that we are going to try, not only to continue the fuel subsidies for the transport sector but to expand it to include the tricycles which up to now have not been included,” saad ni Pangulong Marcos sa isang press briefing.


Ayon sa Chief Executive, tinalakay na nila ang funding para sa karagdagang fuel subsidies sa ginanap na kauna-unahang Cabinet meeting ng kanyang administrasyon ngayong Martes ng umaga.


“We talked about it in the Cabinet meeting. We talked about the funding, where it can come from, and how we are going to manage the funding for the additional fuel subsidies,” sabi ng Pangulo.


“We have enough budget I think to last for most of this year and a little bit beyond. But we still have to find that money if we are going to continue,” dagdag niya.


Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang rollout ng second tranche ng P5-billion fuel subsidy program para sa public utility vehicle (PUV) drivers at operators ay nakatakda sa huling linggo ng Hunyo o unang bahagi ng Hulyo.


Hinati ito sa dalawang equal tranches, ang P5 billion fuel subsidy program ng gobyerno ay layon na i- extend ang P6,500 cash grants sa bawat isa mula sa 377,000 benepisyaryo, kabilang ang LTFRB-supervised PUV drivers at operators, tricycle drivers at operators sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at delivery riders sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).


 
 

ni Lolet Abania | June 28, 2022



Umabot sa kabuuang 617,806 kuwalipikadong tricycle drivers sa buong bansa ang nakatakda ngayon na mabigyan ng kanilang fuel cash subsidy, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).


Sa isang pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año, sinabi nitong nasa 148,784 mula sa 766,590 tricycle drivers na nag-apply para sa fuel subsidy ang na-disqualified dahil sa kakulangan ng kailangang verification gaya ng driver’s license numbers, hindi kumpleto ang e-wallet information, o mga pangalan na isinumite lang matapos ang deadline.


“Lahat ng nasa masterlist ng qualified tricycle drivers ay makakatanggap ng fuel subsidy. Hintayin na lang po natin ang abiso ng LTFRB para sa mga detalye at karagdagang impormasyon,” sabi ni Año.


Una nang nag-isyu ang DILG ng Memorandum Circular 2022-047, na nag-uutos sa local government units (LGUs) para mag-submit ng validated list ng mga tricycle drivers; tricycle franchisees; addresses; electronic wallet accounts; at ang bilang ng mga operating tricycles at iba pang detalye sa loob ng kani-kanilang hurisdiksyon.


Ang mga naturang mga detalye ay dapat suriin naman ng head ng Tricycle Franchising Board at ng head ng lokal na Tricycle Operators and Drivers Association.


 
 

ni Lolet Abania | March 17, 2022



Nasa tinatayang 3,982 rehistrado na mga miyembro ng tricycle operators and drivers’ association (TODA) sa Quezon City ang nakatanggap na ng fuel vouchers para makatulong sa mga ito sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.


Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng P500 fuel vouchers sa unang batch ng TODA members nitong Martes.


“While we are waiting for the fuel subsidy promised by the national government, we recognize the urgent need to help one of the most vital transportation sectors in our city,” pahayag ni Belmonte.


Ayon sa lokal na gobyerno ng Quezon City, ang distribusyon ng fuel vouchers ay magpapatuloy pa sa mga susunod na araw.


Una nang nagpasa ang Quezon City Council ng isang ordinansa na nag-aatas hinggil sa fuel subsidy program para sa mahigit 25,000 miyembro ng QC TODAs.


Batay sa ordinansa, ang mga kuwalipikadong tricycles-for-hire ay makatatanggap ng fuel subsidy na P1,000 na ibibigay bilang isang fuel voucher, kung saan ipapamahagi ng QC Task Force for Transport and Traffic Management sa pamamagitan ng Tricycle Regulatory Division.


Gayunman, ang kanilang implementing rules and regulations (IRR) at guidelines para sa proseso ng distribusyon nito ay hindi pa nila napa-finalized. Samantala, hinikayat naman ni Belmonte ang mga residente, lalo na ang mga motorista, na kanilang i-avail ang libreng sakay sa ilalim ng Q City Bus System, kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis.


Ang programa na inilunsad sa panahon ng pandemya, ay nagbibigay ng free rides sa lahat ng commuters, habang patuloy pa rin itong nag-o-operate sa walong ruta:


• Route 1: Quezon City Hall to Cubao;

• Route 2: Quezon City Hall to LITEX;

• Route 3: Welcome Rotonda to Aurora Blvd./Katipunan;

• Route 4: Quezon City Hall to Gen. Luis;

• Route 5: Quezon City Hall to Mindanao Ave. via Visayas Ave.;

• Route 6: Quezon City Hall to Gilmore;

• Route 7: Quezon City Hall to Ortigas Avenue Extension;

• Route 8: Quezon City Hall to Muñoz


Ang mga bus ay bumibiyahe ng kanilang ruta araw-araw mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.


“The city’s bus augmentation program adopts an efficient mode of transportation to ease traffic congestion and reduce the transportation expenses of commuters,” ani Belmonte.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page