ni Lolet Abania | May 22, 2022
Sumailalim na ngayon si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at kanyang pamilya sa isolation matapos na magpositibo siya sa test sa COVID-19.
Ayon kay Galvez, lumabas na positive siya sa test sa COVID-19 mula sa kanyang weekly RT-PCR test ngayong Linggo, Mayo 22, habang kasalukuyang nakararanas ng mild symptoms, subalit nananatili siya aniya, “in high spirits” dahil siya at kanyang pamilya ay fully vaccinated.
“I would like to apologize to the people whom I have come in contact with over the last five to seven days. I encourage them to have themselves tested and observe their health conditions,” pahayag ni Galvez.
“While I am under isolation, I will continue to monitor the country’s peace processes and vaccination efforts,” sabi pa ng Presidential Peace Adviser.
Nanawagan din si Galvez sa publiko na magpabakuna na sa madaling panahon, at para sa mga bakunado ay tanggapin naman ang kanilang booster shots.
Kaugnay nito, sa latest data mula sa Department of Health (DOH), sa ngayon ay nakapag-administered na ang bansa ng kabuuang 149.119 milyong doses ng COVID-19 vaccines hanggang nitong Mayo.