top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 10, 2021



Dumating na sa bansa ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan mula sa China ngayong Huwebes nang umaga.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Cebu Pacific flight mula sa Beijing na may dalang Sinovac vaccines kaninang alas-7:16 nang umaga.


Sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Secretary Vince Dizon ang sumalubong sa pagdating ng mga bakuna sa airport.


Samantala, mamayang gabi inaasahang darating sa bansa ang karagdagang 2 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 24, 2020




Nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa ilang producers ng COVID-19 vaccines katulad ng Sinovac, AstraZeneca, at Pfizer, ayon sa vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, Jr. sa naganap na national speech ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes nang gabi.


Aniya, “Meron po tayong 17 na vaccines na ina-analyze and then, ito po ‘yung isinabmit po natin dati. Sa 17 po na ito, siyam po rito ang nasa c at lima ang magta-trial po rito sa Pilipinas kasama na po ang Sinovac, Janssen… Ang Janssen po, ‘yun po ‘yung Johnson & Johnson, and then Gamaleya, AstraZeneca at saka ito pong CanSino.”


Aniya pa, “Sa ngayon po, puwede na po tayong… nagne-negotiate na po tayo sa apat na malalaking kumpanya, kasama na po ang Sinovac from China, AstraZeneca, at saka po ‘yung Pfizer.


“Sa AstraZeneca po, puwede na po tayong magkaroon ng tinatawag na advanced commitment by November. Meron po tayong tinatawag na negotiation at ang kanilang quota po, malaki po na 20 million doses at ang AstraZeneca po, maganda po kasi non-profit po ang sa kanya at pinakamababa po ‘yung kanyang presyo, more or less five dollars lang po. At medyo maganda na po ang discussions.” Saad pa ni Galvez,


“Maganda rin po dahil g-to-g na rin po ang ginagawa nating transactions katulad po ng nangyari sa AstraZeneca, pumunta po rito ang kanilang minister, ang kanilang foreign minister at nakipag-usap po sa amin ni SFA, ni Secretary Locsin at saka ni SOH at handa po sila na kapag nag-roll out po ‘yung kanilang kumpanya sa British government, pupunta po rito ‘yung mga military at saka mga logistic personnel po nila para tulungan tayong mag-roll out din dito.”


Bukod sa AstraZeneca ay nakikipag-ugnayan na rin ang mga opisyal sa manufacturers ng Sinovac at Pfizer. Saad pa ni Galvez, “Just in case na makuha po natin ‘yung tatlong ito, makakabuo po tayo ng 60 million next year, so ibig sabihin, meron na po tayong magandang mga vaccine na nakita natin na safe, cost effective, at saka po… maganda ang kanilang performance.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page