top of page
Search

ni Lolet Abania | June 24, 2021



Itinalagang bagong archbishop ng Manila si Jose F. Cardinal Advincula na ginanap sa isang seremonya sa Minor Basilica of the Immaculate Conception sa Intramuros, Manila ngayong Huwebes.


Si Cardinal Advincula ay hinirang ni Pope Francis bilang 33rd Archbishop ng Manila noong March 25. Kabilang din siya sa 13 cardinals mula sa walong bansa na na-appoint ni Pope Francis noong October 2020.


Dati siyang naka-assign bilang Archbishop ng Capiz.


Sa nasabing ceremony, ginanap ang solemn liturgical reception ni Cardinal Advincula, ang pagbasa ng Apostolic Letter mula kay Pope Francis, ang pag-upo niya sa cathedral, at ang renewal ng priestly promises of the clergy ng Manila na ngayon ay bagong Archbishop.


Si Cardinal Advincula ang nagbigay ng homily kung saan una niyang pangangaral bilang Archbishop ng Manila.


 
 

ni Lolet Abania | December 18, 2020




Itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Cardinal Jose Advincula ng Capiz bilang miyembro ng Congregation for the Clergy, ayon sa Holy See Press Office.


Hinirang din ng Santo Papa si Cardinal Cornelius Sim, ang titular bishop ng Putia sa Numidia at vicar apostolic ng Brunei sa parehong posisyon, kung saan sila ang may pananagutan sa pagbuo, ministeryo at buhay ng mga pari.


Ang Congregation for the Clergy na naka-base sa Vatican City ay kasalukuyang pinamumunuan ni Cardinal Benjamin Stella. Kabilang si Fr. Advincula sa siyam na mga cardinal na binigyan ng takda at mga gawain ni Pope Francis ngayong linggo sa iba’t ibang dicasteries na nasa Roman Curia.


Isang dating seminary formator, si Fr. Advincula ay na-appoint nang bishop ng San Carlos sa Negros Occidental noong 2001 at nailipat sa Capiz bilang archbishop makalipas ang sampung taon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page