top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 2, 2021




Humingi ng paumanhin ang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) matapos mabatikos ng mga netizens sa kanyang pahayag na ‘laki-lakihan’ ng mga magulang na may matatangkad na anak ang kanilang sasakyan kaugnay ng ipinatupad na Car Seat Law.


Pahayag ni LTO-National Capital Region Director Clarence Guinto, "I am sorry for the confusion I have caused with my remark, which was made in jest. I realized now that it was inappropriate.”


Sa ilalim ng Car Seat Law, ang mga 12-anyos pababa ay pinagbabawalan nang umupo sa harap ng sasakyan at sa halip ay pauupuin ang mga ito sa child restraint systems (CRS) maliban na lamang kung ang bata ay may tangkad na 4 feet 11 inches. Paglilinaw pa ni Guinto,


"To clarify, if the child is above 4'11, the child is exempted from using a child car seat under the law and may be secured using the regular seat belt.”


Samantala, ang mga lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng P1,000 sa first offense; P2,000 sa ikalawang paglabag, at P5,000 at suspensiyon ng driver's license sa loob ng isang taon para sa ikatlo at susunod pang bilang ng mga paglabag.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 1, 2021




Ipatutupad na ang Car Seat Law o ang pagbabawal sa mga 12-anyos pababa na umupo sa front seats ng mga pampribadong sasakyan simula bukas, February 2 at sa halip ay pauupuin ang mga ito sa child restraint systems (CRS) bilang bahagi ng Child Safety in Motor Vehicles Act.


Pahayag ni Land Transportation Office (LTO) Law Enforcement Service Deputy Director Robert Valera,


"Child restraints in cars are intended to keep a child firmly secured in their seats so that in case of sudden braking or collision, the child would not be fatally thrown away against the car interior or ejected from the vehicle.”


Sa ilalim ng implementing rules and regulations, ang mga drivers na lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang paglabag; P2,000 sa ikalawang paglabag; at P3,000 at one-year suspension ng driver’s license para sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.


Samantala, nilinaw ni Valera na makakatanggap lamang ng warning at hindi pa huhulihin ang mga lalabag sa naturang batas sa loob ng 3 buwan.


Aniya, "The enforcement is not only about apprehension. It also covers information dissemination as well as warning. Instead of issuing initially a TOP (temporary operator's permit) or a show cause order, we will be on the warning mode as well as information dissemination.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page