top of page
Search

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Inianunsiyo ni veteran broadcaster na si Noli “Kabayan” de Castro na siya ay magwi-withdraw sa kanyang kandidatura sa senatorial bid ngayong Miyerkules, matapos na maghain ng certificate of candidacy noong nakaraang linggo.


Sa isang paghayag, sinabi ni De Castro na kahit na nakapaghain na siya ng COC noong nakaraang Biyernes, nagbago ang kanyang desisyon dahil sa nakita niyang mas makapaglilingkod siya sa mga kababayan bilang isang newsman.


“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” ani De Castro.


“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura,” sabi pa ni Kabayan.


Kahit pa binawi na niya ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections, ayon kay Kabayan patuloy pa rin siyang magsisilbi sa publiko.


“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” saad niya.


Aniya pa, patuloy din siya na magiging “boses ng publiko,” lalo na sa panahon ng tinatawag na political noise habang ang iba ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan para sa sariling interes.


naman ni De Castro si Manila Mayor Isko Moreno at ang Aksyon Demokratiko party sa pagtanggap sa kanya sa partido.


 
 

nina Jeff Tumbado at Nina V. Reyes | October 8, 2021



Umaabot na sa kabuuang 572 ang mga naghain ng kanilang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) upang sumabak sa halalan sa Mayo 9, 2022.


Nasa 97 ang nagsumite ng aplikasyon para mapayagang kumandidatong pangulo ng Pilipinas habang umabot ng 29 ang nais na maging bise presidente.


Pumalo naman sa 176 ang gustong tumakbong senador habang 270 ang naghain na mga partylist group ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA).


Sa kabila ng mahabang listahan ng mga nais kumandidato, nilinaw ng Comelec na hindi pa pinal ang mga listahan dahil sasalain pa at posibleng may ilan na maidedeklarang nuisance o hindi mapapayagang tumakbo.


 
 

ni Lolet Abania | October 6, 2021



Si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulong sa 2022 elections ngayong Miyerkules.


Pasado alas-11:00 ng umaga, naghain si Marcos ng COC sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City. Kasama ng dating senador ang kanyang asawa na si Liza Araneta.


Nitong Martes sa isang Facebook video, inanunsiyo ni Marcos na tatakbo siya sa 2022 presidential race.


Kasabay ng kanyang pahayag ay ginanap ang kanyang oath taking bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), isang political party na kaalyado ng Duterte administration.


Una nang inendorso ng PFP si Marcos para sa 2022 presidential race noong Setyembre 21, ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ng kanyang ama, ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.


Samantala, nang tanungin si Marcos kung posibleng maging running-mate niya si Senador Christopher “Bong” Go, aniya, “Paano ‘yun? Bongbong-Bong? Bong to the third power?” “Baka puwede rin. We’ll see,” sabi ni Marcos sa mga reporters. Si Marcos ay nasa ilalim ng PFP habang si Go ay PDP-Laban (Cusi-win).



 
 
RECOMMENDED
bottom of page