ni BRT | June 8, 2023
Kwalipikado na ang Pilipinas para sa visa-free travel program ng Canada.
Ito ay matapos na ianunsyo ng Canada ang 13 mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa mga napasama sa pagpapalawak pa nito ng kanilang visa-free travel program.
Ayon kay Canadian Minister for Immigration, Refugees and Citizenship Sean Fraser, ang naturang kautusan ay epektibo na.
Aniya, ang mga bisitang mayroong Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o ang mga kasalukuyang mayroong hawak na valid United States non-immigrant visa ay pahihintulutan na ring bumisita sa pamamagitan ng pag-a-apply para sa electronic travel authorization.
Ito aniya ay nangangahulugan lamang na mas marami pang mga indibidwal mula sa Pilipinas ang maaari nang magtungo at makabisita sa kanilang bansa nang walang nararanasang hirap sa pagsasaayos ng mga requirements para magkaroon ng visa.