top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 24, 2021



Isinailalim sa total lockdown ang Bicol Medical Center’s (BMC) Department of Psychiatry o mas kilala bilang Don Susano Rodriguez Memorial Mental Hospital sa Barangay Cadlan sa bayan ng Pili, Camarines Sur noong Linggo matapos magpositibo sa COVID-19 ang 15 pasyente at isang healthcare worker.


Ayon sa spokesperson ng BMC na si Mylce Mella, epektibo ang naturang lockdown noong Linggo at magsasagawa ng disinfection sa ospital.


Ayon pa kay Mella, isinailalim na rin sa isolation ang staff at mga pasyente.


Samantala, nag-abiso rin ang pamunuan sa mga pasyente at pamilya ng mga ito na nangangailangan ng psychiatric help na makipag-ugnayan sa Municipal Health Officer o tumawag sa BMC Department of Psychiatry’s hotline +639610376820.


Noong May 21, mayroon nang 3,036 kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur. Nakapagtala rin ng 2,186 bilang ng mga gumaling na sa naturang lugar at 108 mga pumanaw.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 02, 2021




Tinatayang 264 pamilya ang apektado ng lockdown sa Barangay Santiago, Iriga City, Camarines Sur matapos magpositibo sa COVID-19 ang 10 katao dahil sa carrier na nanggaling sa inuman, ayon kay Mayor Madel Alfelor.


Batay sa ulat, nagsimula ang granular lockdown sa 2 purok sa Iriga City nu’ng ika-29 ng Abril.


Sa ngayon ay patuloy ang pamimigay ng local government unit (LGU) ng relief goods sa mga apektadong residente.


Ayon pa sa huling datos, nasa 288 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Iriga, kung saan 44 ang active cases.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page