top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 4, 2022



Binaklas ng mga awtoridad sa bayan ng Goa, Camarines Sur ang mga campaign posters at mga election paraphernalia, nitong Huwebes.


Sa pangunguna ng municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) ng Goa, katuwang ang mga pulis at ilang kawani ng Commission on Elections (Comelec), tinanggal ang mga election paraphernalia na nakatali at nakapako sa mga puno, poste ng kuryente, government offices at iba pang pampublikong istruktura.


Ito ay bilang pagtalima sa guidelines ng Comelec, partikular sa Resolution No. 10730, pati na rin sa nakasaad sa Republic Act No. 3571 at Presidential Decree No. 953.


Una nang nagpaalala si Goa Mayor Marcel Pan na tanggalin na at ilipat ng mga kandidato sa tamang lugar ang kanilang campaign materials alinsunod sa Comelc guidelines.


"To all politicians and supporters, kindly follow the Comelec guidelines. And may this be a challenge to all of us - to do the same... orderly, and let us have an environment-friendly election," panawagan ng Goa MDRRMO.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021



Tiklo ang isang lalaki na bibisita sana sa city jail ng Naga, Camarines Sur, matapos na may makitang tuyong dahon ng marijuana sa suwelas ng kaniyang sapatos.


Kinilala ang suspek na si Jhon Michael, 20-anyos.


Ayon sa mga awtoridad, bahagi na ng proseso sa kulungan ang suriin ang mga dalang gamit at kasuotan ng mga dadalaw dito.


Nang alisin umano ang sapatos ng suspek, nakita sa suwelas nito ang mga tuyong dahon ng marijana na nakabalot sa papel.


Nakipag-ugnayan agad ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pulisya hinggil sa insidente.


Todo-tanggi naman ang suspek sa paratang laban sa kanya.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 1, 2021



Nakaligtas sa ambush si dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang kanyang sasakyan sa Pili ngayong Martes.


Sa ulat ng pulisya, nagmamaneho si Andaya sa Maharlika Highway sa Barangay Palestina nang paputukan ng riding-in-tandem ang kanyang sasakyan bandang alas-5:45 AM.


Nakaligtas man si Andaya, nakatakas din ang mga suspek.


Nakuha naman ng awtoridad ang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.


Nagsagawa na rin ang Police Regional Office 5 (PRO5) ng imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at para alamin ang motibo ng mga ito.


Pahayag ni Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, regional director ng Bicol police, "Tayo po ay nag-deploy na ng karagdagang pulis sa lugar upang alisin ang pangamba sa ating mga kababayan na naroon.


"Makakaasa po kayo na kami ay makikipagtulungan sa mga witnesses at mga local government official ng Camarines Sur upang mapabilis ang pagtukoy at pagresolba sa insidenteng ito.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page