ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 25, 2021
![](https://static.wixstatic.com/media/e5628c_0c568e6cb8154ea7ac3665a87601e892~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/e5628c_0c568e6cb8154ea7ac3665a87601e892~mv2.jpg)
Labing-anim pang nag-swimming sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City ang nagpositibo sa COVID-19 kaya umabot na ang kabuuang bilang sa 20, ayon sa Caloocan COVID-19 Command Center.
Hindi umano nakararanas ng sintomas ng COVID-19 ang mga pasyente at inilipat na ang mga ito sa quarantine facilities.
Samantala, 217 sa mga pumunta sa Gubat sa Ciudad ang na-trace na ng local na pamahalaan.
Matatandaang noong Mayo 9 napag-alamang binuksan sa publiko ang naturang resort sa kabila ng pagsasailalim sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Kaagad namang ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang pagpapasara sa naturang resort.