ni Jasmin Joy Evangelista | January 23, 2022
Inanunsiyo ng Caloocan City government ang mga requirements sa pagkuha ng vaccine certification para sa mga lost vaccination cards.
Ang mga may-ari ng nawalang vaccination card ay kinakailangang magsumite ng affidavit of loss at valid ID.
Kung ang magpoproseso naman ay representative lamang, kailangan ng affidavit of loss na ine-execute ng may-ari ng vaxx card. Kailangan din ang authorization letter, at valid ID ng may-ari at representative.
Para sa mga menor de edad na nawalan ng vaccination card, kailangan ng affidavit of loss na ini-execute ng magulang o guardian, valid ID ng minor at ng magulang o guardian.
Kung ang nawalan naman ng bakuna card ay first dose pa lang ang natatanggap, maaaring kumuha ng bagong card sa vaccination site kung saan naka-schedule ng 2nd dose.
Ang mga request ay maaaring i-claim matapos ang dalawang araw.