top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 30, 2023




Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways-Cagayan Third District Engineering Office ang konstruksiyon ng flood control system sa Cagayan River sa Brgy. Andarayan, Solana, Cagayan.


Sinabi ni District Engineer Mariano B. Malupeng na pinalalakas ng proyekto ang kaligtasan at seguridad ng mga tirahan, negosyo, at kabuhayan na malapit sa ilog.


Pinalalakas din ng imprastruktura ang kakayahan ng 4,500 residente sa lugar laban sa posibleng pagbaha, dagdag niya.


Pinondohan ang proyektong nagkakahalaga ng P29 milyon sa ilalim ng General Appropriations Act ng kasalukuyang taon. May haba ang imprastruktura na 133 metro.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 17, 2023




Naitala ang mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa anim na bayan sa Cagayan ngayong buwan.


Ayon kay Dr. Myka Ponce, Provincial Veterinary Office (PVET) Veterinarian II, kabilang sa mga may kaso ng ASF ang mga lugar ng Barangay Angaoang at Santo Tomas, Tuao; Bauan West, Solana; Plaza, Aparri; Iringan, Allacapan; Namuccayan, Santo Nino; at Catugan at Malanao, Lal-lo.


Ayon sa kanya, 16 na baboy na apektado ng ASF ang kinatay at inilibing.


Nangongolekta naman ang PVET ng dugo ng mga baboy sa mga kalapit na lugar na may naitalang kaso ng ASF.

 
 

ni Mai Ancheta @News | September 14, 2023




Lima katao ang nasugatan matapos yanigin ng magnitude6.3 na lindol ang lalawigan ng Cagayan nitong Martes ng gabi.


Batay sa report ng Office of Civil Defense, ang limang sugatan ay tinamaan ng bumagsak na pader.


Tatlo sa mga biktima ay nagtamo ng minor injuries habang ang dalawa ay sugat sa ulo.


Naramdaman ang sentro ng lindol sa Dalupiri, pasado alas-7 ng gabi habang intensity 4 naman sa mga lugar na nasa tabing dagat.


Wala namang naiulat na namatay sa naganap na lindol at patuloy na binabantayan ang mga posibleng aftershocks.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page