top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 14, 2021




Nagsanib-puwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency-Northern Mindanao, National Bureau of Investigation (NBI) at mga pulis sa isinagawang buy-bust operations sa bayan ng Pantar, Lanao del Norte kung saan nasabat ang mahigit P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa dalawang tulak kaninang umaga, Marso 14.


Ayon sa ulat, ang suspek ay isang lalaki na hinihinalang internally-displaced person mula sa Marawi siege at isang 21-anyos na babaeng estudyante.


Kilala umano ang mga ito bilang batikan sa pagbebenta ng droga sa nasabing lugar.


Kaugnay nito, nasabat din ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000 sa hiwalay na operasyon sa Barangay Hinaplonan sa Iligan City kung saan anim ang inaresto. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng mga suspek.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 12, 2021




Balik sa kulungan ang dalawang tulak matapos muling mahuli ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City nitong Huwebes nang gabi, Marso 11.


Batay sa Quezon City Police District Station 4, tinatayang 200 gramo na nagkakahalagang P1,360,000 ng shabu ang nasabat sa mga suspek na sina alyas "Bunso", 31-anyos, at alyas “Waldo”, 57-anyos, na unang nakulong noong 2019 at kasalukuyang nasa watch list ng barangay.


Ayon pa sa ulat, nakipagtransaksiyon ang mga awtoridad sa dalawa gamit ang P50,000 boodle money at nang magpositibo ay kaagad nilang inaresto ang mga ito.


Sa ngayon ay muling nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 5, 2021




Timbog ang tatlong tulak sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kung saan mahigit P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa Recto Avenue, Maynila ang nasabat kahapon, Marso 4.



Ayon sa ulat, taga-Makati at Caloocan City ang mga suspek na dumadayo pa umano sa ibang bayan para lamang magbenta ng shabu.


Kasong Illegal Drugs Selling at Possession of Dangerous Drugs ang haharapin ng tatlo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page