top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 7, 2024




Nasawi ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at drug suspect sa nangyaring engkuwentro sa ikinasang buy-bust operation sa General Santos City.


Ginawa ang operasyon upang mahuli ang 39-anyos na suspek sa drugs na kinilalang si Pablito Polancos sa Brgy. Labangan.


Binaril ni Palancos ang isang PDEA agent matapos na magpostibo sa operasyon na ikinasawi nito.


Agad na gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinamatay din ni Palancos.

Lumabas na nasa watchlist ng pulisya at PDEA ang suspek.


Ayon sa Police Colonel ng General Santos City Police Office na si Nicomedes Olaivar Jr., nanlaban ang suspek kaya gumanti ng putok ang mga operatiba.


Nagpahayag naman ng kanilang pagluluksa sa pagkawala ng Assistant Provincial Officer na si

Agent Raymund Parama ang PDEA Regional Office XII-Sarangani-Gensan.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 16, 2024




Naaresto ang dalawang lalaki sa ginawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. 175 sa Caloocan City.


Nasabat sa mga suspek ang 375 gramo ng sinasabing shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.


Kasama sa mga naaresto ang 32-anyos na factory worker at 42-anyos na pintor.


Dating nakulong na ang mga suspek at muling nagbenta ng shabu matapos makalaya, ayon sa ulat ng pulisya.


Saad ng acting chief ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na si Police Captain Emmanuel Aldana, merong namumuhunan sa kanila upang magkaroon sila ng ilalabas na malaking halaga ng shabu na ibebenta.


Tinutukoy pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng shabu.


Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga suspek na mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act.


 
 

ni Zel Fernandez | April 28, 2022


Pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagkamatay ng isang pulis, kabilang ang nasawing drug suspek, sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Biga, Tanza, Cavite nitong nakaraang Abril 24.


Giit ng pangulo, kung nagkataong suspek lamang ang namatay sa insidente kamakailan, tiyak umanong lalabas na namang masama ang mga pulis at palalabasing salvage o sadyang pinatay ang suspek.


At dahil mayroon umanong miyembro ng kapulisan ang namatay sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad kontra-droga, nais ni Duterte na siyasatin ng CHR ang puno’t dulo ng insidente upang maging patas ang pagkilala ng hustisya sa bansa.


Paliwanag pa ng pinuno, mula nang magsimula ang kampanya ng kanyang administrasyon kontra-droga, madalas umano na ang hanay ng kapulisan ang nagiging dehado sa tuwing may napapaslang na drug suspek sa mga isinasagawang operasyon at palagi raw itong ‘big deal’ sa komite.


Samantalang kapag mga pulis naman aniya ang namamatay, hindi umano nagtatagal ang balita na mismong sa Kampo Crame lamang umiikot o kaya naman ay sa istasyong kinabibilangan ng nabiktimang pulis, na kalaunan ay kagyat ding nalilimutan ang pangyayari.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page