Pinalusot ang House Bill No. 78 para makakawala ang telcos mula sa 60 percent Filipino ownership requirement ng Konstitusyon, ayon kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.
Ang HB No. 78 ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Marso 10, 2020. “That House bill, if approved by the Senate, will amend the Public Service Act to exclude telcos as public utilities which, under the Constitution, must at least be 60 percent Filipino-owned,” ayon sa retired SC magistrate.
Aniya, ang pagsususog ay magpapahintulot sa foreign investors na magmay-ari ng 100 percent ng telco companies, na nagpapahiwatig na ang China Telecom ay maaaring maging 100 percent owner ng third telco na inudyukan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong November 21, 2017.
Sa kasalukuyan, ang third telco sa bansa ay iginawad sa Dito Telecommunity, isang partnership ng Davao-based Udenna consortium at ng China’s state-owned telecom.
Subalit sinabi ng dating SC justice na “Apparently China Telecom wants to come in as a majority, or even 100 percent owner, of the third telco.”