Kapag dumarating ang Marso, naiisip agad natin ang tungkol sa graduation, ang panahon ng pagtatapos ng mga estudyante sa pag-aaral.
Halos buong taon silang subsob sa pagre-review sa exams, cramming sa pag-submit ng mga project at super stressed sa eskuwelahan.
Siyempre, masaya ang feeling ng bawat estudyante at parents dahil big achievement ito na kanilang nagawa. Para lalo nilang maramdaman ang excitement sa pagtanggap ng diploma, magandang may something na ibigay sa kanila. Heto ang ilang graduation gifts na magiging memorable sa kanila:
1. NICE WALLET. Madalas, ito ang regalo na ibinibigay sa graduates dahil dito sila natututong mag-ipon. Hindi kailangang signature wallet, ang mahalaga ay matibay at ma-appreciate nila. Siyempre, dapat may ilalagay kang pampabuwenas para lumaki ang savings nila.
2. JEWELRY O GRADUATION RING. Puwedeng singsing, kuwintas o bracelet ang iregalo sa kanila. Siguradong masisiyahan sila dahil kapag suut-suot nila ito, feeling nila, talagang achiever sila at maaalala pa nila ang kanilang school days.
3. RELOS O CAMERA. Kapag binigyan sila ng wristwatch, siguradong susuotin nila ito sa lahat ng oras, lalo na kung may mga ganap ang barkada at siyempre, pamporma, gayundin, matututo silang dumating sa tamang oras at pumasok on time. Samantala, siguradong hindi nila malilimutan ang lahat ng kanilang pupuntahan kung camera ang inyong ibibigay. Magagamit din nila ito kung may photo shoot silang gagawin.
4. EXECUTIVE WARDROBE AT BAG. Ito ay bagay sa mga nagtapos sa kolehiyo. Siyempre, nand’yan na ang pag-a-apply nila ng work at kailangan nilang maging presentable sa mga work interview. Puwedeng damit na may pagka-executive look ang dating para siguradong tanggap sila agad sa company na inaplayan at dapat ay may katernong bag. 5. LAPTOP O ORGANIZER. Magandang bigyan ng organizer ang mga graduate, lalo na kung magtatapos sila sa high school dahil magagamit nila ito sa pag-i-schedule ng activities nila pagdating sa kolehiyo. Kung medyo malaki-laki naman ang inyong budget, the best ang laptop dahil magagamit nila ito agad at madali silang makapagre-research ng assignments at projects.
Ang simpleng mga regalo na matatanggap nila mula sa atin ay talagang magbibigay sa kanila ng happiness. Hindi kailangang very expensive dahil ang importante ay magagamit nila ito at pahahalagahan. Okie?