Sumailalim sa self-quarantine ang ilang miyembro ng gabinete at mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng COVID-19.
Ito ay matapos malantad sa kaso ng COVID-19 ang ilang cabinet officials at mga senador sa ilang public events kung saan may mga bisitang nagpositibo sa virus.
Kabilang sa mga sumailalim sa self-quarantine sina Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Education Sec. Leonor Briones, Central Bank Governor Benjamin Diokno at Executive Sec. Salvador Medialdea.
Naka-quarantine din sina Bases Conversion and Development Authority President and Chief Executive Vince Dizon, maging ang mga alkalde na sina Manila Mayor Isko Moreno at Davao Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nauna nang nag-self quarantine sina Senador Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Panfilo Lacson, Imee Marcos, Francis Tolentino at Juan Miguel Zubiri matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang resource person sa pagdinig sa Senado noong Marso 5.
Kasama rin umano sina Briones at Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III sa nasabing pagdinig.
Bumisita rin ang Presidential Daughter sa Senado at nakasalamuha si Gatchalian, na umano’y nakasalamuha ang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, dahilan aniya para magpasyang mag-self quarantine.