Nanawagan ang isang mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensiya na magtulungan para mabigyan ng pagkakakitaan o pangkabuhayan ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
“Sa ngayon pa lang, marami nang business ang nagsara at dahil dito, marami na ring Pilipino ang nawalan ng trabaho,” ani Sen. Bong Go.
Ang paglobo umano ng kawalan ng trabaho ay posible ring makaapekto sa ekonomiya kung hindi maagapan ng pamahalaan.
Kamakailan nang iniulat ng DOLE na aabot na sa 2.6 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa virus.
Samantala, malaki umano ang maitutulong ng Balik Probinsya, Balik Pag-asa (BP2) program, para sa mga apektado ng krisis.