top of page
Search

ni BRT | June 13, 2023




Aabot sa 11 pasahero ang nasugatan sa banggaan ng 2 bus sa bahagi ng EDSA Carousel northbound sa Quezon City kamakalawa ng gabi.


Nagtamo ng minor injuries ang mga pasahero bagaman wasak ang harapan at basag ang salamin ng isang bus matapos mabangga ng isa pang bus paglagpas ng Quezon

Avenue flyover.


Ayon sa drayber na si Redine Bangcaya, papasok siya ng EDSA Busway nang tamaan ang likurang bahagi ng minamaneho niyang bus, dahilan para umikot pa ito.


Inararo ng bus ang 48 concrete barrier, 4 na plastic barrier at mga signage ng busway.


Gayunman, ayon sa mga nakakita, nag-unahan umano sa pagmamaneho ang 2 bus driver.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 26, 2021



Sampung katao ang nasawi at 45 ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang driver ng bus na bumiyahe mula sa Frankfurt, Germany papuntang Pristina sa Kosovo, Croatia noong Linggo, ayon sa awtoridad.


Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas-6:00 nang umaga nang mawalan ng kontrol ang driver sa kahabaan ng Zagreb at Serbian border at nawala ito sa road lane.


Hindi pa malinaw ang dahilan ng pagkawala ng kontrol sa bus kaya patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad.


Kabilang umano sa mga nasawi ang kapalitan nitong driver at ayon sa awtoridad, karamihan sa mga pasahero ay Kosovans na nagtatrabaho sa Germany.


Labing lima naman sa 45 sugatan ang nagtamo ng serious injuries.


Samantala, nagpahayag ng pakikidalamhati si Croatian Prime Minister Andrej Plenkovic sa pamilya ng mga biktima at aniya, "We hope the injured will recover.''

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 5, 2021



Walo ang sugatan matapos magsalpukan ang bus at ambulansiya sa EDSA Shaw tunnel noong Biyernes nang gabi.


Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Chief Bong Nebrija, isinugod sa Mandaluyong City Medical Center ang walong sugatan sa insidente.


Aniya, pumasok sa bus lane ang ambulansiya na saktong pagdating naman ng bus.


Saad ni Nebrija, “Papasok siya to get in the busway para mapabilis din siya, ma-traffic. May paparating na bus. Ewan ko kung nakita niya, sabi niya, nakita niya, pero apparently, hindi niya iniwasan.”


Nang bumangga umano ang bus sa ambulansiya ay tumaob ito.


Aniya, “Natanggal po ‘yung portion ng center island natin and so many barriers have been knocked down again, ano? At tumaob pa ‘yung ambulansiya.”


Nilinaw din ni Nebrija na priority pa rin ang mga bus sa bus lane.


Pahayag ni Nebrija, “Ang sinasabi ko, even though they could use it, they are not the priority. Ang priority pa rin is ‘yung bus. So if they want to use it and there’s a bus coming in, they need to give way to the bus.


“Eh, lalung-lalo na itong ambulansiyang ito, wala namang laman. Ang kine-claim niya, may pi-pickup-in siyang pasyente. I do not know what’s the level of emergency nu’ng pi-pickup-in niya.”


Samantala, sugatan sa insidente ang driver ng bus, konduktor at anim na mga sakay nitong pasahero.


Patuloy pa ring isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page