top of page
Search

ni Gina Pleñago | April 23, 2023




Naghahanda na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa posibleng sakit sa tag-init


Sinabi ni BJMP spokeperson jail Chief Inspector Jay Rex Bustinera na iniutos ni BJMP acting chief Jail Supt. Ruel Rivera sa mga jail warden na maghanda ng mga gamot laban sa mga sakit na nakukuha tuwing tag-init.


Kabilang sa mga binabantayang sakit ang hypertension, pigsa, bungang araw at mga rashes.


Inatasan na rin ang mga namumuno sa mga jail facilities na makipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) para sa paghahanda sakaling magkaroon ng water interruption sa loob ng kulungan.


 
 

ni Lolet Abania | March 20, 2022



Umabot sa kabuuang 119,175 o 92.18 porsiyento ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na naka-detained sa mga kulungan at hawak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang fully vaccinated na kontra-COVID-19.


Sa isang radio interview ngayong Linggo kay BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda, sinabi nitong ang mga naghihintay naman ng kanilang second dose ay nasa 6.54%, habang 6,215 o 4.81% ang hindi pa nabakunahan.


“Ito ang sinasabi ng DOH [Department of Health] na maisasama sa mga papabakunahan,” ani Solda.


Ayon kay Solda, nakikipag-ugnayan na ang BJMP sa mga local government units (LGUs) para isama ang mga PDLs sa alokasyon ng mga bakuna ng mga LGUs. “Simula noong nag-start ang COVID-19 pandemic, may 5,019 cases ang naitala sa mga PDL,” pahayag niya.


Gayunman aniya, sa nasabing bilang, 4,886 ang nakarekober na, 54 ang nasawi, habang siyam na lamang ang active cases sa ngayon.


Sinabi rin ni Solda na sa kasalukuyan ay mayroong 129,283 inmates sa BJMP jails. Patuloy naman ang BJMP na nagpapatupad ng mga health at safety protocols para maiwasan ang hawahan at pagkalat ng COVID-19 sa mga ito, ayon pa kay Solda.


Gayundin aniya, nakatuon ang BJMP sa kalusugan ng mga PDLs, kaya bumili na sila ng mga medisina at karagdagang electric fans at exhaust fans, habang palagiang tsini-check ang suplay ng tubig at nagsasagawa ng daily disinfection at paglilinis sa lugar.


Inamin naman ni Solda na 340 mula sa 475 pasilidad ng BJMP ay sadyang congested na, subalit ang natitirang 135 ay hindi.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 6, 2021



Pinag-aaralan na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa granular opening for non-contact visitation sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).


Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, hinihintay na lang kung aaprubahan ito ng IATF at uunahin ito sa mga low risk areas.


Posibleng maging panuntunan ang pagiging fully vaccinated ng dadalaw, at isang kamag-anak lang ang papapasukin kada dalaw kung saan bibigyan ito ng isang oras para makipag-usap sa kaanak na PDL. Hindi papayagan ang mga menor de edad na makapasok o makadalaw.


Hindi pa masigurado kung kailan ito mag-uumpisa pero ilang pasilidad ng BJMP ang nag-pilot testing na sa Central Visayas, MIMAROPA at Cordillera.


Samantala, ibinalita ni Solda na 119,070 sa 125,589 PDL ang nabakunahan na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page