ni Lolet Abania | July 6, 2021
Mariing pinabulaanan ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na nangongolekta ang ahensiya ng anumang tinatawag na “immigration assistance fee” mula sa mga foreign nationals.
Nag-isyu si Morente ng statement matapos madiskubre ng BI na isang kumpanya na nakabase sa Pilipinas ang naniningil sa kanilang mga empleyado na mga foreign nationals ng bayad para sa sinasabing immigration assistance.
Gayunman, hindi nagbanggit ang BI ng detalye tungkol sa kumpanya. “This company is allegedly charging P5,000 as airport assistance fee, another P5,000 for processing fee, and P20,000 for a Department of Foreign Affairs (DFA) Invitation Letter,” ani Morente sa isang pahayag ngayong Martes.
“It seems that this company is using the name of government agencies to be able to charge such high rates to its employees,” sabi pa ng opisyal.
Sinabi ni Morente na pinag-aaralan na nila ang posibleng isampang legal actions laban sa kumpanya.
Paalala naman ni Morente sa publiko na maging maingat at mapagmatyag laban sa mga kumakalat na mapanlinlang na aktibidades o indibidwal.
“Be wary of falling prey to these scammers. Immediately report to the authorities if you encounter such a modus,” sabi ni Morente.