ni BRT @News | September 29, 2023
Balak ng Bureau of Immigration (BI) na gumamit ng artificial intelligence o AI sa mga proseso ng immigration para bumaba ang katiwalian sa ahensya.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, ang pagbibigay konsiderasyon sa AI ay hakbang sa modernization plan ng ahensya na ipatutupad sa 2024 o 2025.
Ginawang halimbawa niya ang Vancouver sa Canada na wala nang mga immigration counter sa departure.
Sabi pa ni Tansingco, hindi ibig sabihin nito na ang mga AI immigration officer na ang magsasala sa mga pasahero.