ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 24, 2024
Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkules na higit sa 3,300 na dayuhan ang hindi pinayagan pumasok sa Pilipinas noong 2023.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, may 3,359 na dayuhang hindi pinahintulutan dahil itinuturing sila na hindi kanais-nais o may hindi maayos dokumentasyon.
Idinagdag ng BI na dumating ang karamihan sa kanila mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Iniulat ng BI ang mga insidente kung saan hindi pinahintulutan ang mga dayuhan sa pagpasok sa ‘Pinas dahil sa pagkakasangkot sa mga sexual offenses sa ibang bansa, pagiging wanted fugitives, at pagpapakita ng kabastusan sa mga kawani ng immigration.
“As gatekeepers of our country, our officers are duty-bound to see to it that only aliens with legitimate purpose of travel are accorded the privilege to visit the country,” ani Tansingco.
“Illegal aliens and fugitives are not welcome in the Philippines,” dagdag niya.