top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 2, 2022



Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga residente ng 6 na baybayin sa bansa, kasunod ng pinangangambahang lason mula sa mga laman-dagat.


Batay sa inilabas na Shellfish Bulletin #8 ng BFAR, ipinatutupad ang shellfish ban matapos magpositibo sa red tide toxin ang ilang mga baybayin kabilang ang Bolinao sa Pangasinan; Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay sa San Benito, Surigao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.


Kaugnay nito, nagpaalala ang BFAR na mahigpit na ipinagbabawal ang panghuhuli, pagbebenta at pagkain ng mga laman-dagat sa mga nasabing lugar dahil sa matinding panganib nito sa kalusugan dulot ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) na isang red tide toxin.


Gayunman, nilinaw ng BFAR na maaari pa rin umanong kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango ngunit kailangang tiyakin na ang mga ito ay sariwa, hinugasan at nilinis nang mabuti, at tinanggalan ng mga laman-loob bago lutuin at ihain.


 
 

ni Lolet Abania | August 29, 2021



Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang siyam na lugar na kanilang sinuri na positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide.


Sa kanilang Shellfish Bulletin No. 25 na may petsang Agosto 27, habang nai-post kahapon, Agosto 28, ayon sa BFAR, nagsagawa sila ng mga tests katuwang ang mga local government units (LGUs) kung saan ang mga lugar na nagresulta sa pagkakaroon ng paralytic shellfish poison ay Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Western Samar; coastal waters ng Biliran Islands; Carigara Bay sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.


“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” ayon sa BFAR.


Sinabi ng BFAR, maaari namang kainin ang mga isda, squids, shrimps, at crabs sa mga naturang lugar subalit kailangang siguruhing sariwa at hinugasan at nilinis mabuti, kung saan inalis ang mga lamang-loob nito gaya ng hasang at bituka bago lutuin.

 
 

ni Lolet Abania | May 12, 2021




Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Miyerkules na 20 lugar sa bansa ang positibong nakitaan ng paralytic shellfish poison o toxic red tide at lumagpas ito sa tinatawag na regulatory limit.


Sa isang advisory ng BFAR, lahat ng klase ng shellfish at acetes o alamang ay hindi ligtas na kainin mula sa mga sumusunod na lugar:

• Baybayin ng Zumarraga sa Western Samar

• Baybayin ng Daram Island sa Western Samar

• Baybayin ng Biliran Islands

• Baybayin ng Calubian sa Leyte

• Baybayin ng Leyte, Leyte

• Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan

• Ormoc Bay sa Leyte

• Baybayin ng Daiuis at Tagibilaran City sa Bohol

• Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental

• Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte

• Balite Bay sa Davao Oriental

• Bislig Bay sa Surigao del Sur

• Baybayin ng Hinatuan sa Surigao del Sur

• Lianga Bay sa Surigao del Sur

• San Pedro Bay sa Western Samar

• Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte

• Carigara Bay sa Leyte

• Cambatutay Bay sa Western Samar

• Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar

• Irong-irong Bay sa Western Samar “Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa BFAR.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page