top of page
Search

ni Lolet Abania | December 16, 2020




Isang residente ang namatay matapos ang sunog na naganap sa Paco, Manila ngayong Miyerkules nang umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bandang alas-5:50 ng umaga sa isang residential area sa Burgos-Zamora St. sa nasabing lungsod.


Nagising na lamang ang mga residente sa lugar sa kapal ng usok at ingay ng sirena ng trak ng mga bumbero.


Agad na nagtakbuhan ang mga ito sa playground ng lugar at nanatili doon habang patuloy na inaapula ng mga bumbero ang apoy.


Dahil sa pagkabigla, hindi na napansin ng mga apektadong residente na dapat ay nakasuot sila ng face mask o face shield at isinasagawa pa rin ang social distancing dahil sa posibleng pagkakaroon ng transmission ng COVID-19.


Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng namatay at ang halaga ng pinsala sa naganap na sunog.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 5, 2020



Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan sa Barangay Tugatog, Malabon nitong Sabado bandang alas-6 ng gabi.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sampung minuto matapos sumiklab ang apoy sa residential area sa MH Del Pilar Street corner Bronze Street ay itinaas na ito sa second alarm.


Idineklara ng BFP na under control na ang apoy bandang alas-8:30 ng gabi.


Samantala, wala pang naiuulat na sanhi ng sunog at halaga ng mga nasirang ari-arian sa

insidente..

 
 

ni Lolet Abania | September 3, 2020




Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Rizal Avenue, Manila bandang alas-3 ng hapon ngayong Huwebes.


Itinaas sa ikalawang alarma ng Bureau of Fire Protection sa Manila ang sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng residential-commercial building na pag-aari ng isang William Dy sa Quiricada St. Rizal Avenue, Manila.


Ayon sa BFP Manila, nakontrol ang sunog nang alas-4:29 ng hapon. Labinglimang kabahayan ang natupok at 30 pamilya ang naapektuhan. Umabot sa P500,000 ang halaga ng napinsala.


Gayunman, walang naitalang nasaktan sa sunog. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page