top of page
Search

ni Lolet Abania | May 18, 2021




Nagkaroon ng grassfire sa Barangay Uhaj, Banaue, Ifugao dahil sa matinding init ng panahon at sobrang pagkatuyo ng mga damo sa bahaging kagubatan ng lugar kahapon.


Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Banaue, halos apat na oras tumagal ang grassfire bago tuluyang naapula ang apoy.


Gayundin, nagtulung-tulong na ang mga pulis, BFP ng Hungduan, lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay at maging ang mga residente ng lugar.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang lawak ng pinsalang idinulot ng grassfire.


Pinayuhan naman ng BFP ang mga residente na patuloy na mag-ingat at mag-report agad sakaling maka-monitor ng grassfire na posibleng pagmulan ng sunog.


 
 

ni Lolet Abania | May 6, 2021




Isang senior citizen ang namatay habang nasa 180 kabahayan ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa Davao City, kagabi.


Kinilala ang 84-anyos na biktima na si Diosdada Alferez.


Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Davao City, nagsimula ang sunog sa tirahan ng isang Charice Acupiado sa isang residential area sa Barangay Tibungco dakong alas-10:00 ng gabi nang Miyerkules.


Itinaas sa ika-5 alarma ang sunog habang naapula ang apoy alas-2:34 ng madaling-araw ngayong Huwebes.


Ayon pa sa BFP, isang nakasinding kandila ang naiwan na naging sanhi ng sunog.


Tinatayang nasa P630,000 ang halaga ng napinsala dahil sa sunog.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 6, 2021




Nasunog ang bahagi ng isang gusali sa Salcedo Village, Makati City ngayong Martes nang hapon.


Ayon sa Bureau of Fire – National Capital Region, nagsimula ang sunog sa rooftop ng Vernida IV building at itinaas sa ikalawang alarma bandang 3:00 PM.


Idineklara namang fire-out na bandang 3:48 PM.


Samantala, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page