top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 17, 2021



Limang pakete ng shabu na itinago sa loob ng isang electric airpot flask at tinatayang nagkakahalagang P7.4 milyon ang nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Clark International Airport nitong Martes.


Ang shipment ay idineklarang “flask” na nagmula sa Lilongwe, Malawi pero inalerto ito ng Enforcement and Security Service (ESS) - Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) matapos makatanggap ng impormasyon na may nakatagong droga sa kargamento.


Nang makita ang kahina-hinalang bagay sa x-ray inspection, agad isinailalim sa physical examination ang kargamento kung saan tumambad ang limang pakete ng shabu na kinumpirma ng PDEA sa kanilang laboratory examination.


Naglabas na ng warrant of seizure and detention laban sa kargamento si Port of Clark District Collector Alexandra Lumontad at inilipat na nila sa PDEA ang kustodiya ng mga pakete ng shabu.

 
 

ni Lolet Abania | June 2, 2021




Nasa P66.2 milyong puslit na pekeng sigarilyo ang nakumpiska sa dalawang shipments ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.


Sa isang statement, ayon sa BOC nitong May 19, isang 40-footer container na idineklarang mga sapatos na consigned sa RNRS Trading, habang isa pang shipment ng cartons film na consigned naman sa Heybronze Non-Specialized Wholesale Trading ang dumating sa nasabing daungan.


Ayon sa BOC, sumailalim ang dalawang shipments sa physical examination kung saan nadiskubre ang iba’t-ibang pekeng sigarilyo na may mga brand na Marvels Menthol, Marvels Filter, Two Moon Filter, Two Moon Menthol, Fort Menthol 100’s, Mighty Menthol, Champion at Jackpot.


Nag-isyu na ng warrants of seizure at detention nitong May 28 laban sa mga shipments dahil sa umano'y paglabag sa National Tobacco Administration Memorandum Circular No. 03, NTA Board Resolution No. 079-2005, Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines, at RA No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 25, 2021



Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang undeclared boxes ng sigarilyo na nagkakahalagang P30 million sa Misamis Oriental.


Ayon sa BOC, ang naturang shipment ay mula sa China na dumating sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Mayo 20.


Kinabukasan ay nagsagawa ng partial examination ang X-Ray Field Office, Enforcement Security Service (ESS) CDO District at Philippine Coastguard Northern Mindanao kung saan nadiskubre ang mga sigarilyo na idineklarang footwear.


Kaagad namang nag-issue ang awtoridad ng Warrant of Seizure and Detention laban sa mga nasa likod ng naturang shipment.


Pahayag ng BOC, “The shipment was consigned to a certain Lorna Oftana from General Santos City and is now under formal investigation for allegedly violating RA 10863 otherwise known as Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page