ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021
Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng 39 volcanic earthquakes kabilang ang mahihinang background tremors.
Naitala rin ang 5,299 tonelada ng sulfur dioxide flux na ibinuga ng bulkan at ang steam-rich plumes mula sa main crater na umaabot sa 3,000 meters high.
Samantala, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”