ni Lolet Abania | April 2, 2022
Nakapagtala ng 36 volcanic earthquakes o mga pagyanig ang Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24-oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Sabado.
Sa kanilang bulletin na inisyu ng umaga ng Sabado, sinabi ng Phivolcs na may upwelling o namumuo ring mainit na volcanic fluids sa main crater lake, kung saan nagdulot ito ng mga plumes na tumaas ng nasa 900 metro bago ito nag-drift o dumaloy pa-timog-kanluran.
Ayon sa Phivolcs, nagbuga rin ang bulkan ng average na 2,451 tonnes nito lamang Biyernes.
Nananatili namang nasa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang naturang lugar.
“This means that there is a magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions,” paliwanag ng PHIVOLCS.
Giit ng ahensiya, dapat ding lumikas sa Taal Volcano Island – isang permanent danger zone -- at mga Barangays Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo, at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel sa Batangas, na anila, “due to the possible hazards of pyroclastic density currents and volcanic tsunami should stronger eruptions subsequently occur.”
“All activities on Taal Lake should not be allowed at this time,” pahayag pa ng PHIVOLCS.
Pinapayuhan din ang mga lakeshore communities o mga residenteng malapit sa baybayin ng lawa na maging mapagmatyag, at magsagawa ng nararapat na pag-iingat laban sa posibleng airborne ash at vog, at maghanda rin para sa paglikas sakaling ang bulkan ay magpakita ng mga senyales ng tinatawag na intensified unrest.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS na ang pagpapalipad ng mga aircraft sa paligid ng Taal Volcano Island ay delikado.