ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 11, 2024
Photo: Ivana Alawi / TikTok / SS
Nagbahagi si Ivana Alawi ng kanyang opinyon hinggil sa pagpasok niya sa pulitika sa isang TikTok video. Habang kumakain ay sinabi ng sexy actress na may mga nagtatanong sa kanya kung tatakbo raw ba siya.
Aniya, sana ay suportahan siya ng mga netizens sa kanyang desisyon na huwag tumakbo. Kahit naman daw hindi siya pumasok sa pulitika ay maaari pa rin naman siyang tumulong. Hindi raw nangangahulugan na porke’t maraming followers ay dapat nang tumakbo, lalo’t wala naman daw siyang kaalaman sa larangan ng pulitika.
Sey niya, “Puwede kang tumulong kahit hindi ka pulitiko.”
Dagdag pa niya, mahalagang magkaroon ng kaalaman at kakayahan sa pulitika bago pumasok dito, at hindi niya nais ilagay sa panganib ang Pilipinas.
Nagbigay din siya ng paalala sa mga botante, “Kapag boboto kayo, please vote wisely.” Tama ka d’yan, Ivana Alawi!
IPINA-TATTOO ni Kyle Echarri sa kanyang likod ang mata ng namayapang kapatid.
Aniya sa caption ng kanyang post sa Instagram, “She’ll be looking over me forever.”
Pumanaw ang kanyang sister sa edad na 12 nang ‘di na nito kinaya ang paglaban sa brain tumor.
Sey pa ni Kyle, “My angel has already been looking over her Manong for a while now… now I can say she’ll be looking over me forever.”
Komento ng mga IG friends and followers ni Kyle…
“BEAUTIFUL!!!” ani ng producer na si Ranvel Rufino.
“Hey Bella, you havin’ fun watching,” saad ng isang netizen.
“Wow, Bro!,” sabi naman ni Kimpoy Feliciano.
“So niceee,” hirit ng director na si Gino Santos.
“So beautiful,” pakli naman ng events stylist and florist na si Ginger Gaddi.
What a beautiful tattoo, Kyle Echarri!
VERY loving grandma talaga si Sylvia Sanchez sa kanyang apo na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Imagine, wala pang two months old ang baby boy ay sandamakmak na kung ipag-shopping ng kanyang Lola Sylvia.
Sa Instagram (IG) ni Ibyang, ipinost niya ang pag-iikot sa isang mall kung saan naghahanap siya ng mga mabibili niya para sa kanyang apo.
Aniya, “It feels so good! See you tomorrow, Apo.”
Pinasalamatan naman siya ng anak na si Ria, “Thanks, Ma.”
Komento ng isang netizen, “I know the feeling Ms. Sylvia. Ganyan din ako sa apo ko. Iba ang joy na naibibigay din ng apo.”
Nagkomento rin ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion, “How cute!”
“Tnx (thanks), Gwaps,” sagot ni Ibyang.
Hmmm… tila may inggit factor ang Mega Daughter sa pagsa-shopping ni Ibyang para sa kanyang apo.
Sa isip-isip siguro ng anak nina Sharon at Gabby Concepcion, “Sana, ako rin.”
Samantala, sey naman ng isang netizen, “Spoiled ‘ata apo n’ya sa kanya, lalo’t first apo so far.”