ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 28, 2024
Photo: Isabelle Daza at Alex Gonzaga - IG
Maypost si Alex Gonzaga ng glam pic niya sa kanyang Instagram (IG) Stories.
Aniya, “Wolf and Catherine is Wolferine.”
Unang-una nang nagkomento ang kaibigan niyang si Luis Manzano, na laging inaabangan ang mga bagong posts na video o picture ni Alex.
Komento ng mister ni Jessy Mendiola, “Bihira sa isang tao ‘yung kuhang-kuha inis ko, at ikaw ‘yun.”
Sagot ni Alex (as is), “@luismanzano mas bihira ‘yung naka-block pero nakaka-reply pa rin. Anyare @instagram?”
Naaliw ang mga netizens sa bardagulan ng magkaibigan.
Sey nila: “I-report n’yo po.”
“@luckymanzano alam mo, comment mo talaga inaabangan ko, eh.”
Inulit naman ng isang netizen ang komento ni Isabelle Daza nang mag-post ang TV host-actress ng kanyang sexy photo para sa anniversary ng kanyang vlog, “HUBADERA KA NA TALAGA, ALEX.”
MAY wish pala si Gina Pareño para sa kanyang 77th birthday. Ibig niya na muling makaarte at mapanood sa mga teleserye.
Aniya, “Baka gusto n’yo akong kunin, ilawan para umakting. Sama n’yo naman ako, sige na. Sama naman ako d’yan, oh! Buhay pa po ako, ha? Eto po ako, present!”
Nanawagan ang mga sumusuporta sa beteranang aktres, at isa si Coco Martin sa mga naisip nilang makakatulong dito.
Sa social media ng Teleserye King ay nanawagan ang mga ito na sana ay mapansin ang hiling ni Gina. Maging sa Showbiz Update ni Ogie Diaz ay nabanggit niya ang sinabi ni Gina nang minsang makuhanan siya ng panayam.
Nanawagan din si Ogie Diaz kay Coco na baka puwedeng tuparin nito ang hiling ni Gina.
“Tanggol, baka puwede mo namang kunin si Tita Gina Pareño nang makaarte naman. Regalo mo na kay Tita Gina sa kanyang kaarawan.
“Knowing Tanggol, si Coco Martin, talagang mahilig namang magbigay ng break ‘yan si Coco. Kasi galing din naman s’ya sa wala noon. Binigyan din ng chance,” saad pa ni Mama Ogs.
“Ngayon, ibinabalik lang n’ya. Kumbaga, pay it forward s’ya,” dagdag pa nito.
Nagkasama na sina Coco at Gina sa isang fantaserye noon, ang Juan Dela Cruz (JDC), kung saan gumanap sila bilang mag-lola.
May mensahe si dating VP Leni Robredo sa team nina Kim Chiu, MC, Lassy, at Ogie Alcasid sa ido-donate nilang premyo mula sa Magpasikat para sa Angat-Buhay. Atty. Leni Robredo expressed her gratitude sa grupo nina Kim dahil ido-donate ang premyong napanalunan sa mga biktima ng Typhoon Kristine, lalo na sa Bicol Region. Ibibigay nila ang premyong P300 thousand sa Angat Buhay Foundation (ABF).
Sina Kim ang grand winner ng Magpasikat 2024. Ayon kay Kim, bago pa raw rumagasa si Kristine sa Pilipinas, ang napili na nilang charity ay Angat-Buhay.
Ani Robredo, “Maraming salamat for your generosity, Kim Chiu, Ogie Alcasid, MC, Lassy and It’s Showtime Family.”
Ang Angat-Buhay ay isang non-government organization kung saan ang founder ay si Leni Robredo. Ang Magpasikat ay isang annual talent competition ng mga It’s Showtime hosts para sa pagse-celebrate ng kanilang anibersaryo. Labing-limang taon na nila itong ginagawa mula noong nagsimula ito noong October 23, 2010.