ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 5, 2024
Nag-file na nga ng Certificate of Candidacy (COC) ang mag-iinang Vilma Santos, Luis Manzano at Ryan Recto nu'ng Huwebes (October 3), alas-10 ng umaga, sa The Mansion, Batangas City Hall.
Ang Star for All Seasons ay running for Batangas governor, at vice-governor naman niya ang anak na si Luis Manzano, habang ang bunsong si Ryan Christian Recto ay congressman sa Lone District ng Lipa City.
Nagtipun-tipon ang One Batangas Team mula mayor hanggang gobernador at ang kanilang slogan ay ‘Maunlad na Batangas, Sa Bagong Pilipinas’.
Kasama ni Lucky ang misis niyang si Jessy Mendiola na todo-suporta sa bagong mundo na kanyang pinasok.
Ayon kay Luis, magdaragdag siya ng 'suwerte' sa kanyang mga constituents. Hinog na si Luis kung paano pakitunguhan ang mga Batangueño.
Ayon naman sa Star for All Seasons, nang tumakbo siyang mayor sa Lipa City ay 2 years old pa lang si Ryan, pero, nakikita raw niyang ang bunso nila ni Finance Sec. Ralph Recto ang susunod sa yapak ng ama.
Ani pa ni Ate Vi, it's meant to be raw siguro talaga na silang tatlo nina Luis at Ryan ang kumandidato kaya nangyari ito.
Parehong wala na sina Bea Binene at Louise delos Reyes sa GMA-7 bilang artists ng network, pero nag-guest kamakailan ang dalawa sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Ibinahagi nila ang updates hinggil sa kanilang career nang umalis sila sa kanilang home studio.
Nang tanungin sila ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda kung may regret ba sila pagkatapos nilang umalis sa GMA, sagot ni Bea, “Tito, regret? No.”
Aniya, grateful siya sa 18 years na inilagi niya sa Kapuso Network. Marami raw siyang natutunan at na-experience nu'ng nasa GMA pa siya.
“Siguro po, siyempre tayo, we always want to explore and widen our reach, you know, the opportunities, ganyan,” pakli niya.
Ayon pa sa aktres, marami siyang ginagawang projects while being handled by Viva. Ang huling pagbisita ni Bea sa GMA ay noong bago mag-pandemic.
“I’m still very grateful, it’s really nice to see everyone here kasi naging tita, ate, kuya ko na po sila,” wika pa niya.
“Kasi when I transferred, and sometimes it’s nice to have that sense of familiarity, ‘di ba?” sey niya.
“And sometimes, you just miss being here, you just miss the company here because my friends are here. Again, this was like my comfort zone, this was like my home,” lahad pa ni Bea.
Ayon naman kay Louise, huli siyang bumisita sa GMA eight years ago at inamin niyang may regrets siya.
Aniya, “Pero ‘yung mga regrets kasi na ‘yun, parang nagkaroon ako ng — parang naging okey na ako ru’n. Kasi kung ‘di dahil du’n sa mga ginawa ko before, hindi ako magiging si Louise ngayon. Lahat ng pagkakamali ko noon, lahat ng wins ko nu’ng time na ‘yun, eto ako.”
Sey pa niya, “Iba ‘yung tibok ng puso ko kapag sinasabing GMA at ‘pag nakikilala ako na from GMA. Iba rin ‘yung saya.”
Nang umalis si Bea Binene sa GMA, nag-aral ng Culinary course ang aktres at para maging head pastry chef ng isang café.
After mamatay ang madir…
ANGELICA, UMAMING NAPRANING, MARAMI NANG NARARAMDAMAN SA KATAWAN
INAMIN ni Angelica Panganiban na halos araw-araw siyang umiiyak ngayon sa gitna ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Kung matatandaan, last August, pumanaw ang ina ni Angelica na si Annabelle Panganiban.
Sa Instagram page ni Angge ay may mahaba siyang post with a set of photos na kuha sa Shinagawa Diagnostic kasama ang asawang si Gregg Homan, na makikitang sumasailalim sa several tests and check-ups including an X-ray scan.
Sey ni Angelica, “Pagkatapos ng mga biglaan at ‘di inaasahang pangyayari sa pamilya namin, ‘di namin maiwasang maisip ang health namin. At literal kakaiyak ko ng halos araw-araw, para bang kung anu-ano na naramdaman ko sa katawan ko. Siguro pagdating sa health, mabuti na ang maging praning at unahan na ang mga nararamdaman bago pa umabot sa ‘di na natin masolusyunan. @shinagawadiagnostic always to the rescue.”