ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 28, 2025
Photo: Kim Chiu at Paulo - IG
Um-attend sina Angelica Panganiban at Bela Padilla sa premiere night ng pelikula ng kaibigan nilang si Kim Chiu na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) kapareha si Paulo Avelino.
Ani Angge, “Congratulations, Kim. Parang si Kim lang talaga ‘yung gusto kong i-congratulate, panalung-panalo s’ya sa lahat ng ginawa niya kay Pau.”
Dagdag naman ni Bela, “Grabe, Kim in her most daring role!”
Hanggang matapos ang movie ay binilang nina Angge at Bela kung ilang beses naghalikan ang KimPau.
“84 million!” sey ni Angge.
“I loved it, feel good. Tawang-tawa kami,” pakli naman ni Bela.
Aniya pa, “Mula umpisa hanggang sa natapos, talagang ngumingiti ka lang. Of course, may mga moments na makikinig ka, pero most of the time, talagang mapapasigaw ka, matatawa ka nang malakas. Laugh out loud film siya.”
Sabi rin ng mga beshies ni Kim, “Nakaka-proud bilang mga kaibigan dahil kitang-kita mo na tinrabaho talaga ni Kim 'yung buong pelikula at bagay na bagay talaga sila ni Pau. Dito ko na-confirm na bagay nga sila.”
May nagtanong kina Angelica at Bela bilang close friend nila si Kim, “What do you think is the real score between Kim at Paulo?”
Ang bilis ng sagot ni Angelica, “Friends daw sabi nila sa movie, pero ganu’n maghalikan!”
Aside from other celebrities na sumuporta sa KimPau movie, present din ang mga ABS-CBN executives na sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, CEO and President Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, ABS-CBN Films head Kriz Gazmen, Corporate Communications head Kane Choa, Star Music head Roxy Liquigan, and a lot more.
NAPAKOMENTO naman si Angelica Panganiban sa “midnight snack post” ni Kathryn Bernardo ng mga sexy bikini photos niya para sa kanyang birthday photoshoot.
Naka-black top and bottom with a sultry ‘wet hair’ look si Kathryn at talaga namang ang yummy ng dating ng ex ni Daniel Padilla sa kanyang suot.
Ang caption ni Kathryn sa kanyang post, “Welcoming my 29th with a midnight snack,” kung saan may hawak siyang junk food.
Maraming celebrities ang nagpadala ng birthday wishes kay Kathryn tulad nina Ina Raymundo, Cassy Legaspi, Heart Evangelista, Kyline Alcantara and Rabiya Mateo, pero nakaagaw-pansin sa mga netizens ang reaksiyon ni Angge sa posted photo ni Kath dahil sa funny comment nito.
Sey kasi ni Angelica, “‘Di ako ganyan nakain ng chicha... Hay, how to be you? Happy Birthday, Katreng!”
May nagtanong naman sa aktres, “Angge, kailan ka ba babalik sa showbiz? It’s been a long time na. Malaki na si Bean, miss ka na namin. Gawa ka na uli ng TV series o movie.”
“Tuloy na ba ang AngBeKi movie n’yo nina Kim Chiu at Bela Padilla?”