ni Fely Ng - @Bulgarific | November 12, 2022
Hello, Bulgarians! Ang mga pribadong ospital ay maaaring italaga ng gobyerno upang bumili at mangasiwa ng mga bivalent vaccines laban sa COVID-19. Ito ay iminungkahi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion. Natatayang limitado lamang ang mga bivalent vaccines na maipamimigay ng gobyerno kung isasaalang-alang nito kung magkano ang mabibili at ilan ang maihahatid na bakuna. Ang bivalent vaccine ay kayang magbigay ng malawak na proteksyon laban sa COVID-19 at mas mahusay na proteksyon laban sa omicron variant.
“Ang 10 milyong dosis, o gaano man kalaki ang bilhin ng gobyerno ay unang ilalaan sa matatanda, immunocompromised at may comorbidities; ngunit maaaring may iba pa sa labas ng mga prayoridad na sektor na ito na nais ding mabakunahan ng bivalent vaccines," sabi ni Concepcion. Aniya, lahat ng pribadong ospital ay may kayang mag-handle ng mga bakuna at lahat ay maaaring makipagkasundo sa gobyerno upang makabili ng bivalent vaccines.
Si Dr. Benjamin Co, Chief Medical Officer ng Metro Pacific Hospital Holdings ay sumang-ayon sa panukala ni Concepcion. “I think the best option is to make it available for a fee or at cost. For those who can very well afford it, they can get it from private clinics that offer this and we can charge an administration fee plus the cost of the vaccine," sabi niya.
Ayon kay Vaccine Experts Panel member Dr. Rontgene Solante, na siya ring tagapangulo ng Adult Infectious Diseases at Tropical Medicine sa San Lazaro Hospital, maiibsan ng pagtulong ng mga pribadong ospital ang pasanin sa gobyerno upang mas matutukan nito ang mga sektor na mas nangangailangan. "Private sector involvement is another important layer to achieve higher vaccine accessibility and coverage," sabi ni Dr. Solante.
"This is critical especially with waning interest in booster doses of COVID-19 vaccines. Government should always find ways to engage with the private sector, which has been an important partner of DOH during the pandemic.”
"Kung wala pang CPR, ang pagbabakuna ng bivalent vaccines ay maaari pa ring gawin sa pamamagitan ng tripartite agreement, tulad ng ginawa namin noon, ngunit sa pagkakataong ito ay mga pribadong ospital ang kasali," sabi ni Concepcion.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.