ni Fely Ng - @Bulgarific | November 23, 2022
Hello, Bulgarians! Nagdaos kamakailan ng press conference para sa Economic and Financial Literacy week celebration ang DepEd NCR sa pakikipagtulungan ng 1986 Summerhouse Publishing na ginanap sa DepEd-NCR Conference Hall sa Misamis St., Bago Bantay, Lungsod ng Quezon. Layunin ng programa na mapabuti ang diskarte sa pananalapi ng mga mag-aaral, guro at empleyado sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga konsepto sa pananalapi sa mga lugar ng pag-aaral at nagbibigay ng pagkakataong sa propesyunal na pag-unlad.
Binuksan ang programa sa pagkilala sa mga nakilahok ng nasabing event sa pangunguna ni Laiza D. Lagarto, Program Manager NEAP Recognized Professional Development (PD) Program on Financial Literacy and Development for teachers and school leaders. Kabilang sa dumalo sina CESO III Regional Director, Wilfredo E. Cabral at Hon. Jose Manuel F. Alba, First District Representative ng Bukidnon na nagbigay ng kanilang mga inspirational message, maging si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr. ay nagpadala ng mensahe sa nasabing okasyon.
Samantala sa kanyang inspirational message, nabanggit ang pangyayari kung saan natulungan ang ginang upang madagdagan ang pumapasok na kita para sa pamilya sa pamamagitan ng pagtanggap ng ekstrang trabaho, na sa huli ay nabalewala ang solusyon at nauwi pa rin sa pangungutang. “Kahit araw-araw tayo mag-financial literacy training, if there is no substantial change in our financial behavior, nothing will change”, pahayag ni Hon. Jose Manuel F. Alba.
Sa kalagitnaan ng programa, ginanap ang conference proper tungkol sa pag-aaral, datos at natuklasan tungkol sa Financial Literacy sa bansa, na pinangunahan ni Ryan M. Nojadera, Program Manager NEAP Recognized Professional Development (PD) Program on Financial Literacy and Development for teachers and school leaders. Kung saan malayang tinalakay, naitanong at sinagot ang ilang problemang kinahaharap ng bansa ng dahil sa kakulangan ng bawat isa sa kaalaman at maling gawi sa pagpapalagong pampinansyal.
Nagtapos ang conference na umaasang, lahat ng kalahok ay may natutunan at “Maging Bahagi sa Pag-unlad” ng ekonomiya at pababago sa usaping pampinansyal ng bansa.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.