ni Fely Ng | May 10, 2023
Hello Bulgarians! Una sa lahat, ingat lang tayo sa sobrang init ng panahon ngayon.
Alagaan po natin ang ating kalusugan.
Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Social Security System (SSS) sa pamamagitan ng SSS Circular No. 2023-001 dated April 26, 2023, ang pagbaba ng kanilang service fees na sinisingil sa pamamagitan ng mga SSS-accredited collecting banks remittance at transfer companies.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ang pass-on service fees na sinisingil ng mga SSS collecting partners ay ibababa sa itinakdang P8 per transaction para sa online payment channels at P10 per transaction para sa over-the-counter payment.
Ayon kay Macasaet, magbebenepisyo sa pagbabawas ng service fees ang mga SSS members sa pagbabayad ng kanilang contributions sa pamamagitan ng over-the-counter at online payment channels.
Saklaw ng pagbaba ng service fees ang monthly contribution payments ng mga self-employed at voluntary members, Overseas Filipino Workers (OFWs), magsasaka at mangingisda gayundin ang mga asawang nasa bahay lang. Ang nabanggit na bagong patnubay o guidelines ay nag-aapply din sa contribution payments ng mga employed SSS members na sakop ng Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus.
“We talked and negotiated with our collecting partner banks as well as with remittance and transfer companies to help ease the burden of ordinary SSS members by reducing the pass-on service fee whenever members pay their regular social security and WISP Plus contributions over-the-counter or through online payment channels,” ani Macasaet.
Bago ang nasabing guidelines, naniningil ang mga bangko sa mga SSS members ng pass-on service fee ng hanggang P25 per transaction, samantalang ang remittance at transfer companies ay naniningil ng pass-on service fee ng hanggang P15 per transaction sa pagbabayad ng kanilang mga contributions.
Ang mas-mababang pass-on service fees ay ganap na nagsimula noong Mayo 1, 2023.