ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | August 31, 2020
Hello, Bulgarians! Itinalaga na ng Board of Directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Agosto 26, 2020 si Arnel F. De Jesus bilang Officer-in-Charge- President and Chief Executive Officer ng national state health insurer epektibo mula nang matanggap ang resignation ni General Ricardo Morales dahil sa health condition.
Nangako si De Jesus na ipagpapatuloy nito ang mga repormang nakatulong sa ahensiya tulad ng “to improve the agency’s key processes and legacy tools in delivering the same benefit packages more efficiently and effectively as PhilHealth pivots to longer term aspirational goals of UHC.” Bukod pa rito, inaasahan din na magsasagawa pa ito ng bagong estratehiya, structure para sa bagong human resource responsibilities para sa bagong tungkulin.
“We cannot accomplish this by ourselves, and with wisdom and guidance from our Board we can engage professional firms in order to accomplish the objectives of these parallel path ways,” sabi ni De Jesus.
Siya ay nag-aral ng Advanced Management Program sa Harvard Business School sa Boston Massachusetts, USA at kumuha rin ng Management Development Program sa Asian Institute of Management (AIM). Bukod pa rito, dumalo rin ito sa Advanced Course on Health Financing for Universal Coverage for Low and Middle-Income Countries na isinagawa ng World Health Organization sa Geneva Switzerland.
Nakapagtapos din ito ng Bachelor of Science in Business Administration and Accountancy sa University of the Philippines Diliman. Siya rin ay ika-15 sa May 1980 CPA board examination at naging parte ng SGV & Co, Phils. Na kilala bilang Great AFJ.
Siya ay miyembro ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) at naging National Board Member. Bukod pa rito, miyembro rin ito ng Philippine Life Insurance Association (PLIA) at British Chamber of Commerce of the Philippines.
Sa kasalukuyang pagsubok ng ahensiya, sinisigurado nitong tutulong ito sa imbestigasyon ng mga awtoridad para maisaliwalat ang lahat ng katotohanan.