ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 27, 2020
Hello, Bulgarians! Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na magkakaroon ng bagong implementasyon sa contribution schedule at Worker’s Investment and Saving Program (WISP) na magsisimula sa Enero 2021 sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018.
Sa isang virtual conference, sinabi ni SSS President and CEO Aurora Ignacio na tataas sa 13% ang contribution rate mula sa dating 12%.
Bukod pa rito, tataas na rin ang minimum monthly salary credit (MSC) sa P3,000 mula sa dating P2,000, maliban sa Kasambahay at OFW members na may minimum MSC na P1,000 at P8,000 habang ang maximum MSC naman ay P25,000 mula sa P20,000.
Aniya, “As to the contribution share of the employer and employee, the additional one percent will be equally divided, thus the employer share will be at 8.5 percent from 8 percent, while the employee share will be at 4.5 percent from 4 percent. It applies to employed members, land-based OFW members in countries with Bilateral Labor Agreements with the Philippines, and sea-based OFW members.”
Matatandaang, 4 na beses lamang simula 1980-2016 tumaas ang contribution rate, habang ang pensiyon ay tumaas ng 22 beses.
Noong 2017, nagpatuad ng P1, 000 additional monthly benefit sa mga pensioner nang walang pagtaas ng contribution rate. Kaya naman naapektuhan nito ang fund life ng SSS ng halos 10 taon.
“Thus, a year later, the Social Security Act of 2018 was enacted. The new law provided, among others, a schedule of increases in contribution rate as well as the minimum and maximum MSCs up to 2025. Upon full implementation, the reforms under it will offset the adverse financial impact of the additional monthly benefit granted in 2017,” sabi ni Ignacio.
Samantala, ibinahagi rin ang mas piabilis, pina-safe at mas pinadali at tax-free na WISP kung saan maaaring kumuha ang mga miyembro ng retirement savings plan.
Ang coverage ng WISP ay lahat ng private-sector employees, self-employed individuals, OFW at voluntary members na wala pang final claim sa regular SSS program.
Ang kontribusyon sa WISP ay ikakaltas kasabay ng regular SSS program.
“It allows faster accumulation of a worker’s savings because of the employer share in the contribution. Moreover, WISP contributions will be invested following the principles of safety, high yield, and liquidity, and as provided under the SS Act of 2018, which will yield additional pension income for contributing members,” Ignacio said.
Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa “Philippine Social Security System”; Instagram sa @mysssph; Twitter sa PHLSSS o sumali sa SSS Viber Community sa MYSSSPH Updates.