top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Dec. 23, 2024



Kapihan sa Bagong Pilipinas


Hello, Bulgarians! Iniulat ng Social Security System (SSS) na nakapaglabas na ito ng mahigit P1.15 bilyong halaga ng calamity loan assistance sa halos 70,000 miyembrong naapektuhan ng bagyo, sa loob ng dalawang linggo matapos buksan ang assistance package.


Sinabi ni SSS Acting Head for Public Affairs and Special Events Division Carlo C. Villacorta na noong nakaraang buwan, nag-alok ang SSS ng calamity loan sa mga kuwalipikadong miyembro ng SSS sa mga lugar na sinalanta ng tropical cyclone na Kristine, Marce, Nika, Ofel, at Pepito.


“The series of extreme weather conditions have immensely affected our members’ financial well-being. In response, many have quickly availed our calamity loan assistance to replace or repair their damaged properties. We hope that loan privileges provided by SSS will support their full recovery, just in time for the holiday season,” pahayag ni Villacorta. 


Ipinaliwanag niya na ang calamity loan ay ibinibigay sa mga miyembro ng SSS na naninirahan o nakatira sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad na idineklara sa ilalim ng state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Pinaalalahanan ni Villacorta ang mga miyembro ng SSS sa mga lugar na sinalanta kamakailan ng mga bagyo na mayroon silang hanggang Disyembre 21, 2024 na magsumite ng kanilang mga aplikasyon para sa calamity loan sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.


Upang maging kuwalipikado para sa calamity loan, ang mga miyembro ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 36 na buwanang kontribusyon, anim sa mga ito ay dapat na mai-post sa loob ng 12 buwan bago ang paghahain ng loan application.


Samantala, ang mga self-employed, voluntary, at land-based overseas Filipino worker (OFW) member ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa six posted monthly contributions sa ilalim ng current membership bago ang buwan ng loan application upang maging kuwalipikado para sa calamity loan.


Bukod sa mga kinakailangan sa kontribusyon, ang mga miyembro-aplikante ay dapat:

  • Walang final benefit claim tulad ng permanent total disability o retirement;

  • Walang past due sa SSS Short-Term Member Loans;

  • Walang outstanding restructured loan o calamity loan; at

  • Dapat may employer-certified loan application online (My.SSS facility), kung may trabaho.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Oct. 27, 2024




Hello, Bulgarians! Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ang mga miyembro at pensyonado na apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine ay maaaring agad na mag-avail ng salary at pension loan para sa kanilang mga pangangailangan.

“As part of our proactive response to the urgent financial needs of our members and pensioners during natural calamities, the SSS loan programs are readily available to support their recovery,” pahayag ni SSS Senior Vice President for Lending and Asset Management Group Pedro T. Baoy.


Upang maging kuwalipikado para sa one-month salary loan, ang mga empleyado, self-employed, at voluntary member ay dapat magkaroon ng 36 buwanang kontribusyon, anim sa mga ito ay dapat nasa loob ng huling 12 buwan bago ang buwan ng loan application. 


Samantala, ang mga miyembro ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 72 posted contributions kung pipiliin nilang mag-avail ng dalawang buwang salary loan.

“They must be under 65 years of age at the time of loan application and have not been granted any final benefit like total disability, retirement, or death benefits,” saad ni Baoy. 

“Employers’ compliance is crucial in these situations since their updated contribution and loan payments are essential for their employee’s loan eligibility,” dagdag pa ni Baoy.


Ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring magsumite ng kanilang salary loan application online sa pamamagitan ng My.SSS Portal. Kapag naaprubahan, ang loan ay itatalaga sa rehistradong Unified Multi-Purpose Identification (UMID)-ATM Card ng miyembro o active account na may Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet)-participating bank.


Maaaring bayaran ng mga miyembro ang salary loan sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng 24 equal monthly amortizations na may taunang interest rate na 10 porsyento.


Samantala, ang mga retiree-pensioners ay maaaring mag-avail ng kanilang SSS pension loan na katumbas ng tatlo, anim, siyam, at 12 beses ng kanilang Basic Monthly Pension plus P1,000 karagdagang benepisyo, ngunit hindi lalampas sa maximum na P200,000.


Ang loan amortization, kasama ang 10 porsyento na annual interest rate sa balanse ng principal loan, ay dapat ibawas sa buwanang pensyon na nagtitiyak ng Net Take Home Pension na hindi bababa sa 47.25 porsyento ng Basic Monthly Pension (BMP) kasama ang P1, 000 karagdagang benepisyo. Ang mga tuntunin sa pagbabayad ay anim, 12, o 24 na buwan, depende sa halaga ng loan.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | September 2, 2024



LAB FOR ALL


Hello, Bulgarians! Isa sa mga pinakabatang appointee ng Marcos administration ang bagong board member ng Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Glenn Patricio na nanumpa sa tungkulin noong Hulyo 22, 2024 sa harap ni MTRCB Chairwoman Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio.


Nagmarka ito ng simula ng kanyang mahalagang papel sa pangangasiwa at pagpapahusay sa mga pamantayan ng film and television content sa Pilipinas. Bago ang kanyang appointment, na-enjoy niya ang matagumpay na business career, kung saan hinasa niya ang kanyang kasanayan sa pamamahala at pagpaplano.


Ang kanyang background bilang isang administrative consultant sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nagbigay din sa kanya ng napakahalagang karanasan sa pag-navigate sa mga kumplikadong operasyon ng gobyerno at serbisyo-publiko.


Ang kanyang mga kaalaman na natutunan sa pribadong sektor at gobyerno ay magiging instrumento habang patuloy na umuunlad ang MTRCB sa mabilis na digital age.


Sa pagpapahayag ng kanyang pasasalamat at pangako, sinabi ni Patricio, “I am incredibly grateful for the trust and support they placed on me. It is a great privilege to be part of this team, and I am committed to contributing towards our shared goals of excellence of programming in TV and cinema, and the Philippine media as a whole.”


Sa kanyang pagsisimula sa bagong journey na ito, binibigyang-diin ni Patricio ang kahalagahan ng karunungan sa pamumuno sa pabanggit ng Proverbs 9:10: “The fear of the Lord is the beginning of wisdom.”


Nilalayon niyang dalhin ang prinsipyong ito habang ginagampanan niya ang kanyang mga responsibilidad sa MTRCB.


Nangako si Patricio na mag-aambag siya sa pagpapasigla ng mga board’s policies upang gawing mas nauugnay ang mga ito sa mga kontemporaryong madla habang pinoprotektahan ang mga interes ng mga manonood.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page