ni Fely Ng @Bulgarific | Jan. 13, 2025
Hello, Bulgarians! Ginanap kamakailan ang pagtatalaga sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Circulation Management Association of the Philippines (CMAP) na gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasigla ng print industry sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagbabago, at dedikasyon.
Naganap ang panunumpa noong Enero 9, 2025 sa tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga bagong opisyal ng CMAP para sa taong 2025-2026 na pinangunahan ni President Roy Raul Mendiola (Philippine Daily Inquirer), Vice President Edwin Monforte (Philstar Media Group) na kinatawan ni Clarita Gulanes (Daily Tribune), Secretary Alberto Balanag (People’s Tonight), Treasurer Erick Clemente (Malaya Business Insight), Auditor Jojit Abaño (Bulgar), Business Manager Aileen Alvez (Manila Bulletin), at PRO Lenie Venancio (Police Files). Kasama ang mga miyembro ng board na sina Edison Camarines (The Manila Times), Rolando Manangan (Business Mirror), Erlinda Villar (Pilipino Mirror), Edgar Valmorida (Manila Standard), at George Alonzo (Remate) na nakiisa rin sa nasabing kaganapan.
Itinalaga ni Hon. Juanito Victor Remulla, secretary ng DILG, ang bagong pamunuan ay nakatuon sa pagtiyak sa pagpapanatili ng industriya ng print para sa mga susunod na henerasyon. Sa pamamagitan ng mga pagsisikap nito, itinataguyod ng CMAP ang demokrasya, nagbibigay kapangyarihan sa kabuhayan, at daan para sa patuloy na pag-unlad sa umuusbong na media platforms.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.