top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 17, 2023




Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P105. 6 bilyong pondo sa State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa para sa susunod na taon.


Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, nakapaloob ang pondo sa 2024 National Expenditure Program (NEP) at mapapakinabangan ng tatlong milyong kabataang estudyante.


“Echoing the pronouncement of our President, alongside the strengthening of our economy, we will also invest heavily in human capital development through education, health, and social protection,” sabi ni Pangandaman.


Inihayag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mahalagang magkaroon ng free tertiary education ang mga Filipino.


“With 99.5 percent of our public schools now implementing 5-day in-person classes, this amount will fund significant investments in the education of over 28 million learners nationwide,” diin ni Marcos.


Idinagdag pa ng budget chief na may P21.7 bilyon na pondo para sa 116 SUCs sa Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE).


“Access to quality education will also be at the forefront of the government’s education agenda through the Universal Access to Quality Tertiary Education,” sabi ng kalihim.


Nabatid na ang panukalang UAQTE budget sa susunod na taon ay mas mataas nang P3 bilyon o 14.32 percent kumpara sa P18.8 bilyon na kasalukuyang budget.



 
 

ni Mylene Alfonso | June 24, 2023




Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang P5.768 trilyong panukalang budget para sa taong 2024 na inaasahan ng administrasyon na isusumite sa Kongreso ilang linggo matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 24.


Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, mas mataas ito ng 9.5 percent kumpara sa kasalukuyang budget na P5.268 trilyon.


Ayon kay Pangandaman, patuloy na bibigyang prayoridad ni Marcos ang mga programa para sa economic growth ng bansa.


Nakapaloob aniya ito sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 at 8-point socioeconomic agenda.


Dagdag pa ni Pangandaman na nasa P5.90 trilyong budget ang natanggap na pambansang pondo ng ahensya.


"Guided by our Medium-Term Fiscal Framework, the proposed national budget will continue to prioritize expenditures outlined in the administration's 8-Point Socioeconomic Agenda and cater to the objectives of PDP 2023-2028," wika ni Pangandaman sa isang pahayag.


"It shall continue to reflect our commitment to pursue economic and social transformation to address the scarring effects of the pandemic, as well as the impact of inflation, by prioritizing shovel-ready investments in infrastructure projects, investments in human capital development, and sustainable agriculture and food security, among others,” hirit pa ng kalihim.


 
 

ni Lolet Abania | August 13, 2021



Nagbitiw sa puwesto si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado dahil sa kanyang kalusugan.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Avisado. Itinalaga naman si Undersecretary Tina Rose Marie Canda bilang officer-in-charge ng DBM.


Matatandaang si Avisado ay naka-medical leave matapos ang pakikipaglaban nito sa sakit na COVID-19 bago pa ang kanyang pagbibitiw. Sa isang pahayag noong Hulyo 31, ayon sa DBM, si Avisado ay naospital ng walong araw at naka-quarantine ng mahigit na isang buwan dahil sa Coronavirus.


Binanggit din ng ahensiya na 14 na taon na ang nakalipas mula nang sumailalim si Avisado sa isang quadruple open heart bypass. Si Avisado ay dating Davao City administrator sa panahong mayor pa si Pangulong Duterte at nakasama sa Cabinet noong Agosto, 2019.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page