top of page
Search

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 4, 2023




Inaasahan ng mga ekonomista ng pamahalaan ng Pilipinas na kokolekta ang bansa ng mas higit sa P3.73 trilyon na target na kita ngayong 2023.


Sinasabing aabot sa P3.84-trilyon hanggang P3.90-trilyon ang kabuuang kita ngayong taon na higit na mas mataas sa target na kita ng ekonomiya ng bansa.


Pahayag ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), tumaas ng 6.8% ang kinolokteng kita sa loob ng unang siyam na buwan ng 2023 kumpara sa nagdaang taon.


Tumaas din ng tatlong porsyento ang kita sa unang siyam na buwan ng taon na may koneksyon sa mas mataas na koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) at sa mga kitang hindi galing sa buwis na pumalo sa P152.57-bilyon.


Ayon sa DBCC, ang kita sa mga programa ng taong ito ay 15.7% na mas mataas sa magkasunod na medium-term fiscal framework (MTFF) at sa antas na inaasahan ng 184th DBCC na 15.3% at 15.2%.


Kasalukuyang nagpapatupad ang BOC ng mga repormang naglalayong mapabilis at mapabuti ang pagkolekta ng buwis at ang mas epektibong pangangasiwa sa buwis ng bayan.



 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 16, 2023




Sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) noong Lunes na ang karagdagang P40 bilyon na inilagay ng mga mambabatas sa badyet ng ahensya para sa taong 2024 ay makakapagbigay pa ng irigasyon sa karagdagang 57,000 ektarya ng lupang sakahan.


Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, inaasahan na ang mga palayan na ito ay makakapagdagdag pa ng 570,000 metriko toneladang palay bawat taon.


"And if computed conservatively at P19 per kilo, it can generate P10.83 billion per year, with a payback period of four years or less,” ani Guillen sa isang press release.


Ipinagkaloob ng House of Representatives ang karagdagang P40 bilyon sa NIA matapos na mabawasan ng Department of Budget and Management ang kanilang unang hiningi na P132 bilyon na badyet para sa taong 2024, na ibinaba na lamang sa P40 bilyon.


Pinasalamatan ni Guillen ang House of Representatives sa pagbabalik ng kanilang badyet.


“This significant sum of P40 billion will also play a crucial role in addressing both climate change and sustainability concerns. Solar-powered pump irrigation systems will revolutionize our nation’s irrigation coverage, reaching previously inaccessible areas while mitigating the impending effects of climate patterns like El Niño,” dagdag ni Guillen.


 
 

ni Angela Fernando (JT) @News | October 11, 2023





Pinangangambahan ni DICT Secretary Ivan John Uy ang magiging epekto sa operasyon ng Department of Information and Communications Technology sa pagharap sa banta ng cyber security ng tuluyang pag-alis sa confidential funds.


“Our confidential funds to launch investigations, intelligence gathering, and threat analysis had been reduced to zero. It will really cut our capability of addressing all these cyber crimes and cyber threats,” saad ni Uy sa kanyang panayam sa CNN Philippines nitong Miyerkules.


Idiniin niyang kailangan ng DICT ang confidential funds upang makapagsagawa ng imbestigasyon at makapagbaba ng mandato laban sa mga scammers.


Sinabi ito ni Uy matapos alisin ang confidential funds na nagkakahalaga ng P1.23 bilyon na dating nakalaan sa limang ahensiya ng gobyerno — Department of Agriculture, Department of Education, Department of Foreign Affairs, DICT at Office of the Vice President sa ilalim ng iminungkahing P5.768-trilyon na badyet para sa 2024.


Nagkakahalagang P300 milyon ang mawawalang confidential funds sa DICT para sa susunod na taon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page