ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 1, 2024
Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Lunes na 783 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakalaya noong Marso mula sa iba't ibang bilangguan at mga penal farms sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng BuCor na nagdadala ito sa bilang ng mga PDLs na nakalaya sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa 12,836.
Sa mga nakalaya noong Marso, 132 ang napawalang-sala, apat ang pinalaya sa piyansa, dalawa ang nasa 'conditional pardon,' 528 ang nagserbisyo ng kanilang pinakamahabang sentensya, 20 ang may 'granted probation,' at 97 ang may 'granted parole.'
Samantala, inilipat ng BuCor ang 2,248 PDLs mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungo sa Leyte Regional Prison, Iwahig Prison and Penal Farm, Davao Prison and Penal Farm, Sablayan Prison and Penal Farm, at San Ramon Prison and Penal Farm mula Enero.