top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 12, 2024




SANDRINGHAM, England — Dumalo si King Charles ng Britain sa simbahan noong Linggo, na nagmamarka ng kanyang unang pampublikong paglabas mula nang ibunyag niya ang kanyang cancer diagnosis noong nakaraang linggo.


Dumating siya sa simbahan ng St. Mary Magdalene sa Sandringham, Eastern England, na kasama ang kanyang asawang si Camilla.


Noong ika-5 ng Pebrero, ipinaalam ng Buckingham Palace na may cancer ang 75-anyos na si Charles. Umakyat siya sa trono ng kulang sa 18 na buwan matapos ang pagkamatay ni Queen Elizabeth.


Pinasalamatan naman ni Charles sa isang mensahe noong Sabado ang mga nagbibigay ng simpatya sa kanya.


Bagaman nasa ilalim ng gamutan, ipinagpaliban niya ang mga pampublikong pagtitipon ngunit nais niyang ipagpatuloy ang karamihan sa kanyang mga pribadong tungkulin bilang hari, tulad ng kanyang lingguhang pagpupulong sa punong ministro at pag-aasikaso ng mga dokumento ng estado.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 11, 2024




Nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang Hari ng Britanya na si King Charles III sa mga taga-suportang inuunawa ang kanyang kondisyon.


Saad ng 75-anyos na monarch sa kanyang mensahe na ang mga natatanggap niyang mga sulat ay "equally heartening" at nakakatulong upang mapabuti ang kanyang karamdaman.


“I would like to express my most heartfelt thanks for the many messages of support and good wishes I have received in recent days. As all those who have been affected by cancer will know, such kind thoughts are the greatest comfort and encouragement,” ani King Charles.


Ibinahagi ang mensahe ng hari sa royal family’s official page sa 'X'.


“It is equally heartening to hear how sharing my own diagnosis has helped promote public understanding and shine a light on the work of all those organisations which support cancer patients and their families across the UK and wider world.”


“My lifelong admiration for their tireless care and dedication is all the greater as a result of my own personal experience,” dagdag pa ni King Charles III.


Matatandaang inanunsiyo ng Palasyo na may cancer ang hari at sumasailalim ito sa gamutan.

 
 

ni Lolet Abania | November 1, 2020




Muling isasailalim ang England sa national lockdown ni Prime Minister Boris Johnson matapos na magtala ang United Kingdom ng mahigit isang milyong kaso ng Coronavirus at ang banta ng ikalawang bugso ng infections na pinangangambahan ng mga health service workers ng lugar.


Gayundin, sa opisyal na record, ang United Kingdom na may pinakamaraming naiulat na namatay sa Europe dahil sa COVID-19 ay patuloy na nakikipaglaban sa mahigit sa 20,000 bagong kaso ng virus kada araw.


Nagbabala rin ang mga siyentipiko ng “worst case scenario” dahil posibleng lumampas sa 80,000 ang mamatay sa mga susunod na araw. Ayon sa local media ng lugar, isasailalim ang England sa lockdown simula November 5 hanggang December 2.


Magpapatupad din ng mga restrictions sa Britain, kung saan hindi papayagang lumabas ng bahay ang lahat maliban kung may kaugnayan sa edukasyon, trabaho, pagbili ng mga essential goods at medicines o pag-aalaga sa mga may sakit.


"Now is the time to take action because there is no alternative," ayon kay Johnson na kasamang nag-anunsiyo sa publiko ang chief medical officer na si Chris Whitty at chief scientific adviser niyang si Patrick Vallance.


Gayunman, ayon kay Johnson, mananatiling bukas ang essential shops, eskuwelahan at unibersidad, subali’t sarado ang lahat ng non-essential retail, leisure at hospitality venues.


Ang mga pubs at restaurants ay papayagan lamang para sa mga takeout goods. Wala ring operasyon ng international travel at maging ang pagbiyahe sa mga lugar sa United Kingdom ay ipinagbabawal muna.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page