top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 26, 2021




Pumalo na sa 452,031 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa Brazil dahil sa COVID-19, ayon sa tala ng Brazil Health Ministry nitong Martes.


Batay sa ulat, 2,173 ang nadagdag sa pumanaw, habang mahigit 1,854 ang daily average ng mga nagpopositibo.


Kabilang sa mga itinuturing na dahilan ng surge sa Brazil ay ang nade-delay na vaccination rollout, kung saan 9.9% pa lamang ang fully vaccinated at 20% naman ang nabakunahan ng unang dose, mula sa 212 million na residente.


Isa rin sa ikinababahala kung bakit mabilis ang hawahan ng COVID-19 sa Brazil ay mula nu’ng naitala ang Indian variant sa 6 crew members na nanggaling sa Hong Kong na nakapasok sa bansa.


Huli na rin nang ipatupad ang mahigpit na quarantine restrictions at health protocol sa bansa.


Samantalang sa ‘Pinas nama’y 18,840 overseas Filipino workers (OFW) na ang naitalang kaso ng COVID-19, kung saan 143 balikbayan ang nadagdag.


Ayon naman sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakarekober na ang 130 sa nagpositibo, habang pinag-aaralan na rin ang kanilang sample kung anong variant ang humawa sa kanila.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 25, 2021




Patay ang presidente at apat na miyembro ng Palmas football club nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan nila papunta sa Brazilian cup game noong Linggo. Patungong Goiania ang Palmas para sa laban kontra Vila Nova na nakatakda ngayong Lunes nang maganap ang aksidente.


Kasama ni President Lucas Meira sa mga nasawi ang mga manlalarong sina Lucas Praxedes, Guilherme Noe, Ranule at Marcus Molinari.


Maging ang piloto ay nasawi rin. Pahayag ng Palmas, “The plane took off and crashed at the end of the runway at the Tocantinense Aviation Association. “We regret to report there are no survivors.”


Samantala, nagpahayag din ng pakikiramay ang Brazilian Football Confederation at FIFA. Pahayag ng FIFA, “FIFA offers its condolences after a plane crash tragically claimed six lives in Brazil - including five members of Palmas Futebol e Regatas. Football extends its deepest sympathies to the victims and their families at this difficult time.”


 
 

ni Thea Janica Teh | January 11, 2021





Nadiskubre nitong Linggo sa Japan ang bagong variant ng COVID-19 sa apat na biyahero mula sa Amazona State Brazil, ayon sa Health Ministry ng Japan.


Magsasagawa na ng pag-aaral ang mga opisyal ng Japan upang malaman kung ekeptibo pa rin ang vaccine laban sa bagong variant na iba sa nadiskubre sa Britain at South Africa.


Ayon sa head ng National Institute of Infectious Diseases na si Takaji Wakita, "At the moment, there is no proof showing the new variant found in those from Brazil is high in infectiousness."


Samantala, ibinahagi naman ng Health Ministry ng Brazil na sinabihan na umano sila ng Japan na ang bagong variant ay may 12 mutation at ilan dito ang nadiskubre sa United Kingdom at South Africa.


Aniya, "It implies in a potential higher virus infectiousness." Sa apat na biyaherong dumating sa Haneda Airport sa Tokyo noong Enero 2, isang lalaki na nasa edad 40 ang nakararanas ng hirap sa paghinga, isang babae na nasa edad 30 ang nakararanas ng pananakit ng ulo at lalamunan at isang binata na nakararanas ng lagnat.


Ang isang pasaherong babae naman ay hindi nakitaan ng kahit anong sintomas. Sa ngayon ay sumailalim na sa quarantine ang lahat ng pasahero na dumating sa airport sa Tokyo.


Nitong Huwebes, isinailalim na sa state of emergency ang Tokyo at tatlo pang kalapit na lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. May kabuuang 289,000 kaso na ang naitala rito at 4,061 ang namatay dahil sa virus.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page