by Info @Brand Zone | Oct. 26, 2024
Simula pa lang, ramdam na ni Vicente ‘Nonoy’ Quimbo, CEO at Founder ng Novellino, ang tagumpay sa kanyang wine making business.
“From the start…”, bungad na sagot ni Nonoy sa press nang tanungin siya kung kailan niya naramdaman ang tagumpay ng Novellino Wines. Kasama ang buong Quimbo family, nagpasalamat si Nonoy sa partners, guests at press na dumalo sa silver anniversary celebrations ng kumpanya na ginanap sa wine manufacturing plant sa Calamba, Laguna noong October 17, 2024.
Nitong nakaraan taon 2023, nakuha ang market share na 41.6 percent sa light grape wine category sa bansa. Patunay na nangunguna ang Novellino Wines sa local market. Kaya naman masaya niyang ikinuwento ang katuparan ng kanyang vision na makagawa ng isang wine na para sa Pinoy. Dagdag pa niya, misyon daw niya ang makumbinse ang mga Pinoy na uminom ng wine.
Ibinahagi ni Chris Quimbo, President at General Manager ng Novellino, ang sikreto kung bakit napapababa nila ang presyo ng wine na hindi nakukumpromiso ang quality nito. Inaangkat ang mga ubas mula sa iba’t-ibang bansa at direktang pinu-propeso ang grape juice sugars para maging wine. Dahil dito, nakakapagbigay ang kumpanya nang trabaho at nakakatulong pa sa ekonomiya ng bansa.
“We put in more investments by upgrading our winery with the latest technology and state of the art equipment to produce world-class wine,” banggit ni Chris.
Pinamunuan ni Chris ang facility tour para ipakita sa media at guests ang state of the art wine manufacturing plant. Ayon kay Chris, limang proseso ang kanilang wine production - Fermentation, Centrifugation, Three-stage micro filtration, Chilling at Bottling. Naging sentro sa facility tour ang modern equipment na ginagamit sa Centrifugation - ang Alfa Laval centrifuge mula sa Sweden. Isa ang Novellino ang may ganitong state of the art equipment sa buong Asya.
“The winery has the capacity to produce 30,000 liters of sweet wine per batch,” saad ni Chris.
Highlight ng facility tour ang ribbon cutting ceremony na pinangunahan ng buong Quimbo family, kasama si dating Senador Manny Villar na classmate ni Nonoy sa college sa University of the Philippines.
Bukod kay Chris, katuwang din ni Nonoy ang isa pa niyang anak na si Carlo Quimbo, bilang Director at Chief Strategy Officer, sa pagpapatakbo sa kanilang family-owned business. Parehong iniwan nang magkapatid ang maganda nilang career sa abroad para tutukan ang negosyo. Kaya kampante raw si Nonoy na ipagpapatuloy ng dalawa ang itinatag niyang negosyo.
Isa pang ipinagmamalaki ni Nonoy ay ang pagiging environmental friendly ng kumpanya dahil sa paggamit ng wastewater disposal solutions at renewable energy sa paggawa ng wine.
“We really want to have a sustainable company to meet the increasing demands of the market.” pahayag ni Nonoy. “We have already captured the hearts of the Filipinos. And this time, we want to make the brand known globally.”
Ngayon, hindi na lang tuwing Pasko o malaking okasyon tinatangkilik ang Novellino. Dahil naging household wine brand na ito ng bawat Pinoy. Swak ang sweet taste nito sa panlasang Pinoy.
“Novellino has made winemaking, drinking, and appreciation part of the growing cultural movement in the Philippines,” dagdag ni Chris.
Malayo na rin ang nararating ng Novellino. Mula sa maliit na manufacturing plant sa Valenzuela City, nalipat na ito sa 1.3 hectare winery sa Carmelray Industrial Park sa Laguna. Sa ngayon, may 17 variants na ang Novellino at unti-unti na rin itong nakikilala sa buong mundo.
“We take pride in the workmanship and craftsmanship involved behind every Novellino bottle. A big toast to Novellino!,” pagbibida ni Nonoy.