ni GA - @Sports | May 5, 2022
Ipinag-utos ng World Boxing Organization na tanggalan ng World bantamweight title ang Filipinong si John Riel “Quadro Alas” Casimero kasunod ng rekomendasyon ng Championship Committee hinggil sa pagpalyang madepensahan ang korona laban sa mandatory challenger na si Paul “Baby-Faced Assassin” Butler ng Inglatera nang dalawang beses.
Ayon sa inilabas na kautusan ng WBO Headquarters nitong Miyerkules, inirekomenda ng WBO World Championship Committee na pormal nang tanggalan ng World title belt si Casimero upang ibigay sa bagong nagmamay-ari nito na dating interim champion na si Butler bilang bagong kampeon ng WBO 118-pound.
“Now, to resolve the issue in question, we must enforce a straight-forward approach. Simply put, determined whether Casimero failed to comply with the WBO Regulations of World Championship Contests pursuant to the provisions contained in this Committee’s “Resolution.” This Committee is of the position that the conditions outlined in the “Resolution” are crystal clear. The relevant provision triggered upon the British Boxing Board of Control’s ruling prohibiting Casimero to participate in his second scheduled WBO championship bout. Wherefore, Casimero was unavailable and consequently, failed to comply as ordered by this Committee,” nakasaad sa resolusyong inilabas ng WBO na may pirma ni WBO Championship Committee Chairman Luis Batista Salas.
“The Committee unanimously recommended to the WBO Executive Committee to strip John Riel Casimero’s WBO World Bantamweight Championship Title for failure to comply with the conditions set forth in its “Resolution.”
Ito na ang ikalawang beses na nabigong madepensahan ni Casimero ang titulo na unang dapat nangyari noong Disyembre 2021 sa Coca Cola Arena sa Dubai, UAE, ngunit hindi sumipot ang 32-anyos mula Ormoc, Leyte sa weigh-in dahil sa pagkakaroon umano ng ‘gastritis’ na nagresulta sa pagkakaospital umano nito. Nabigyan ng tsansa ang kampo ni Casimero na magpaliwanag ng WBO at kinatigan ito, sa usapang idedepensa niyang muli ang titulo laban kay Butler sa mismong lugar nito sa Liverpool, England.