top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | July 31, 2024



Sports News
Photo: Reuters / Maya E-Wong

Didiretso patungo sa round-of-16 si Tokyo Games silver medalist Nesthy Petecio kasunod ng impresibong 5-0 unanimous decision panalo kontra Jaismine Lamboria ng India sa women’s under-57kgs division, habang hindi naman pinalad na maipagpatuloy ni Olympic bronze medalist Eumir Felix Marcial ang kanyang pangarap na ginto sa Olympiad matapos higitan ni Hangzhou Asian Games bronze medalist Turabek Khabibullaev ng Uzbekistan sa bisa ng unanimous decision sa men’s 80kgs category, Miyerkules ng madaling araw sa North Paris Arena sa Roland Garros sa Paris, France.


Hindi pinalampas ng 2019 World champion ang pagkakataon na maipamalas nito ang mahuhusay na galaw at banat na upak sa Indian boxer upang makamit ang desisyong iginawad ng mga huradong sina Yermek Suiyenish ng Kazakhstan, Jongjin Kim ng South Korea, Jakov Peterson ng Estonia, Shawn Reese ng US at Mouhsine Souilmi ng Morocco upang umusad sa Sabado ng madaling araw sa ganap na alas-2:00 kontra sa crowd-favorite na si Amina Zinadi ng France na may hawak ng Bye at No.3 seed.


Tatangkain ni Petecio na mahigitan ang runner-up finish ng nagdaang Olympics laban sa 2023 World Championships bronze medalist at 2023 European Games titlist na tinitingnang magiging matinding laban. Subalit tiwala naman si women’s head coach Reynaldo Galido na kayang malampasan ng 32-anyos mula Santa Cruz, Davao del Sur ang French boxer dahil wala umanong pinapalampas at kinikilalang kalaban sa ibabaw ng ring ang two-time Southeast Asian Games champ.


“Hindi nangingilala yang si Nesthy. Warrior yang si Nesthy, hindi naman baguhan yan, gusto nga niya na kahit sino aariin niya,” pahayag ni Galido sa post-fight interview rito. “Actually, ilang beses na namin naka-sparring yan sa Bulgaria, Thailand, gusto nila ka-sparring si Nesthy eh, sa tingin namin maganda naman ang gawa namin dito, proud siya.”

 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 11, 2024



showbiz news

Magbabalik laban  ang nag-iisang eight-division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao sa panibagong exhibition match kontra kay Kickboxing at Mixed Martial Arts fighter at RIZIN featherweight champion Chihiro Suzuki sa Hulyo 28 sa 3-round-3-minute bout na gaganapin sa Super Saitama Arena sa Japan.


Planong ipamalas ng tinaguriang ‘Pambansang Kamao’ ng Pilipinas na pataubin ang mas nakababatang MMA fighter at malupit na kickboxer na hinirang na ika-siyam na pinakamahusay na kickboxer sa buong mundo.


Huling sumabak sa exhibition match si Pacquiao noong Disyembre 11, 2022 kontra kay South Korean fighter DK Yoo sa Korea International Exhibition Center na nagtapos sa unanimous decision sa kanilang six round bout, na sinundan naman ng pagpirma ng kasunduan sa kilalang Japanese Promotions na RIZIN MMA para lumaban din sa isang exhibition match, kung saan nakatakda niyang tuparin kontra Suzuki.


I will do my best to see to this guy what boxing is. I will let him know that boxing is harder than the MMA fight,” pahayag ni Pacquiao ng ianunsyo ang naturang kaganapan kasama si RIZIN FF President Nobuyuki Sakakibahara.


Thank you for inviting me here tonight and finally next month I bring the fight here in Japan and I hope that everybody will watch the fight. Thank you everyone and thank you to RIZIN…and to all the fans please come and watch this July 28 fight, it’s going to be a good fight and a lot of boxing.”


Matatandang mayroong nakatakdang laban si Pacquiao kay Muay Thai at kickboxing icon na si Sombat “Buakaw” Banchamek sa isang boxing exhibition match na gaganapin sana noong Abril sa Bangkok, Thailand, subalit, walang naging anunsiyo dahil sa hindi pagkakatuloy ng kanilang sagupaan na binansagang “The Match of Legends.”

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 19, 2024




Ibinasura ng International Olympic Committee (IOC) ang hirit ng Filipino boxing champion na si Manny Pacquiao na makasali ng 2024 Paris Olympics.


Natanggap ng Philippine Olympic Committee (POC) ang sulat mula sa IOC kung saan nakasaad na lagpas na sa age regulation na 40 ang edad ng boksingero.


Ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino, hindi na qualified ang 45-anyos na dating senador sa Olympics.


Ikinonsulta ang hirit ng POC sa mga national olympic committees maging sa boxing federation ngunit matigas ang mga ito sa naging desisyon, saad sa sulat ni IOC Director for National Olympic Committee Relations James Macleod.


Hindi rin makakalahok si Pacquiao sa Olympic gamit ang University rule para sa mga national athletes na 'di lusot sa torneo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page