ni Jasmin Joy Evangelista | March 5, 2022
Naniniwala umano si Senator Manny Pacquiao na walang moral ascendancy si former senator Ferdinand “Bongbong Marcos” Jr. para pamunuan ang bansa dahil sa tax-related case nito.
Sa panayam ng mga reporters kay Pacquiao sa Nueva Ecija, pinuna ni Pacquiao ang mga botante na sumusuporta umano sa mga politikong may maduming record at kilala bilang corrupt.
“Basta ako, nagreremind ako sa kanila, ang pinakabobo talaga ’yung mga boboto ng mga nagnanakaw, kasi ninakawan ka na, boboto mo pa,” ani Pacquiao.
Nang tanungin kung naniniwala siyang may right o moral ascendancy si Marcos Jr. na maging pangulo, sagot ni Pacquiao: “Para sa akin, siyempre, kandidato rin ako, siyempre masasabi ko na wala.”
“Bayan, alalahanin natin ha, kasali siya doon sa Napoles case. Baka nakalimutan ng taumbayan ’yung Napoles.”